Chapter 43 -- Moments Between Intensities

141 1 4
                                    




Chapter 43 — MOMENTS BETWEEN INTENSITIES



HELAENA'S POV

Hindi na'ko mapakali at lagi nalang akong kinakabahan simula ng malaman kong babalik na ng Pilipinas si Brylle. Dapat wala lang 'yon sa'kin. Dapat handa na'ko sa muli niyang pagbabalik. Dapat hindi na'ko natataranta. Dapat nakapag move on na'ko. Dapat okay na'ko. Dapat.. dapat.


Pero bakit nga ba ako nababagabag gayong hindi naman din kami magkikita? Nasa Tagaytay ako at sa Maynila siya. Isa pa, kasal na sila ni Liv. Okay na ang buhay niya at okay na din naman ang buhay ko.


Pa ikot-ikot ang tingin ko sa malalaking muwebles ng hotel namin habang nakatayo kaming mga staff at nakahilera ng pahaba dito sa lobby habang hinihintay dumating ang mga VIP's na sinasabi ni Sir Ryle at ang team namin ang naka assign sa kanila habang nandito sila.


"Beshie, umayos ka nga ng tayo diyan at i-focus mo lang ang tingin mo." Bulong sa'kin nitong si Bobby at hindi pala nakawala sa mapanuri niyang mata ang mga kilos ko. "What's wrong? Kinakabahan kaba sa paparating na mga VIP's? Parang hindi ka naman sanay sa mga ganyan eh. Relax, beshie. Inhale, exhale." Utos pa nito.


Tama. Kailangan kong mag focus sa trabaho. Kailangan ko munang isantabi ang pangamba kong pagbabalik ni Brylle. Hindi na din naman siya bahagi ng buhay ko, kaya kalma ka lang, Helaena, kalma. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko at nginitian ko nalang si Bobby na nag aalala sa'kin.


Bumukas ang malaking glass door ng hotel, hudyat na dumating na nga ang mga VIP guests namin. Unang iniluwa nito ang mga bosses namin, ang Brand Manager, ang Assistant Manager na si Sir Ryle at ang iba pang hotel staff na nasa likuran nila. Sunod na pumasok sa loob ang ilang mga lalake na naka business attire na hindi ko kilala, marahil ay sila na ang mga VIP's.


Biglang namilog ang mga mata ko at napanganga ako sa aking nakikita. Sana bumukas ang sahig at kainin ako ng lupa. O di kaya, bigla akong gisingin ni Mama sa panaginip na ito. Napa hawak ako sa dibdib ko, dahil bigla ata itong bumigay at kumirot pagkakita sa huling lalakeng pumasok sa hotel. Si Brylle. Si Brylle Lauren Samaniego ang isa sa mga VIP's. Gusto ko yatang mahimatay ngayon din.


Iba na siya. Ibang iba na. Naka business attire din siya, katulad ng mga kasama niya. Pero mas attractive siyang tignan kesa sa iba. Nakasuot siya ng salamin, malinaw na salamin to be exact, yung parang reading glass ba. Kailan pa siya nagkaroon ng malabong mata? Pero bumagay ito sa kanya. Ang buhok niya, nag iba na din. Clean cut sa magkabilang side na bumagay sa mukha niya. Lintik! Bakit hanggang ngayon ang gwapo gwapo pa din niya? Hindi. Mas lalo siyang gumwapo ngayon.


"Ang gwapo at ang yummy nilang lahat." Dinig kong bulong sa'kin ni Bobby. "Lalo na yung pang huli, besh. Ang gwapo gwapo niya." At alam kong pinipigilan niya ang kanyang kilig sa mga kalalakihang nakikita niya.


Parang nanumbalik lahat ng sakit na naramdaman ko noong iniwan niya'ko ngayong nakita ko siyang muli. Yung sakit na ipagpalit ako sa iba sa harapan ng maraming tao. Yung sakit na sabihin sa mukha ko na hindi naman talaga niya'ko minahal kundi pinag laruan lang. Parang gusto ko siyang suntukin ngayong nasa malapit lang siya sa'kin. Pero tila pinipigilan ako ng sarili kong damdamin na gantihan siya.


Papalapit na sila sa'min at pinapakilala na ng mga boss namin ang mga kasamahan ko. At.. at.. papalapit na sila dito. Hindi pa pala ako handa na magkaharap kami muli. Kaya naisipan kong magtago sa likuran ni Bobby, tutal mas bulky at malaki naman siya sa'kin. Siguradong hindi na nila ako mapapansin.


"Beshie, ano bang ginagawa mo diyan sa likod ko?"


"Sshh! Huwag kang maingay, baka mapansin nila tayo."


My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon