Chapter 27 -- The Cry Of A Pleading Heart

205 6 2
                                    



Chapter 27 – The Cry Of A Pleading Heart

"Kanina ka pa tahimik diyan ah." Puna ni Cahli sa kaibigang si Helaena. "May problema ba?"


"Wala. Masama lang ang pakiramdam ko." Matamlay na sagot nito.


"Gusto mong dalhin kita sa clinic?"


"Hindi na. Kaya ko na." Matipid na sagot ni Helaena.


"Aahh... may problema ka nga."

"Cahli?"

"Bakit kasi hindi mo pa sabihin?" Pamimilit ni Cahli sa kaibigan. Pero tila ayaw magsalita ni Helaena.

Pagkababa nila sa 1st floor, saka nila biglang nakasalubong si Brylle kasama si Beebop.

Kaagad na nagkatinginan sina Brylle at Helaena. Kapwa walang ngiti sa mga mukha nila. Hetong si Helaena, tila gustong gustong ngitian at kausapin si Brylle. Lalo nang mapansin niyang may mga pasa ito. Kabaligtaran naman ang kay Brylle. Iba ang ekspresyon ng mukha nito, walang emosyon at parang nag balik ang dating aura nito na nakakatakot.


"Hi, Beebop." Bati ni Cahli.


"Oh! Hello, Cahli—'fornia girl'." Tuksong kanta ni Beebop kay Cahli. (California Girls by Katy Perry)


Ngumiti naman si Cahli pagkatapos ay nginuso niya sina Brylle at Helaena. Nagkibit balikat naman itong si Beebop. Pati sila nagtataka kung bakit gano'n na lang ang dalawa ngayon. Hindi nag papansinan.


"Bye, girls." Sabi ng biglang dating na si Thunder sa mga kasama niyang babae. "See you later." Dagdag pa nito, tsaka na niya hinarap ang mga kaibigan. "Hey, Beebop."


Siniko naman ni Beebop si Thunder at nginuso din sina Brylle at Helaena.


"Ano'ng problema?"


Nagkibit balikat naman sina Beebop at Cahli.

"Hey, bro." Ani Thunder kay Brylle.

Saka lang nag iwas ng tingin si Brylle kay Helaena.

"Ano'ng nangyari sa mukha mo?" Tanong ni Thunder kay Brylle.


"Wala. Nag lambingan lang kami ni Bryant kagabi."

Agad na napatingin si Helaena kay Brylle ng marinig ang mga sinabi nito. "Nag-away kayo ni Bryant?" Alalang tanong nito.


"Bakit? Nag aalala ka sa kanya? Nag aalala ka na baka sa sobrang pagkabugbog ko sa kanya ay baka dinala siya sa hospital?" Sarkastikong tanong ni Brylle kay Helaena. "Tawagan mo siya nang malaman mo kung sa'ng hospital siya naroon." Tsaka na siya humakbang palayo.


Hindi na lang sumagot si Helaena at hinyaan na lang si Brylle para hindi na humaba pa ang away nila.

"Oohh.. I smell something fishy." Ani Cahli.

Bigla ring umalis si Helaena pagka alis nitong si Brylle. Aalis na din sana sina Beebop at Thunder nang biglang hinawakan ni Cahli ang kamay ng mga ito.

"Ooppss! Don't you dare to go anywhere." Sabi ni Cahli sa dalawa. "We have to do something."

"Cahli, if you like me, just go to my place next week. Not now, I still have girlfriends this week. " Pagmamayabang naman nitong si Thunder.

"Gwapo ka, Thunder, pero ayoko sa'yo. Masasaktan lang ako. Womanizer!" Hindi parin niya binibitawan ang pagkakahawak sa dalawa. "What I meant is, we have to do something about those two in-denial lovers. Its obvious na may problema ang dalawang 'yon. Para na rin magka ayos na sila at magka aminan na sa kanilang true feelings. Ako ang nahihirapan sa dalawang 'yon eh."


My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon