Chapter 7 -- The Date Wrecker

390 3 0
                                    

CHAPTER 7 -- THE DATE WRECKER


Hindi na pumasok sa buong klase niya si Helaena bagkus ay umuwi na lang siya sa kanila matapos niyang manatili ng ilang oras sa clinic. Ayaw muna niyang makita ang kahit na sino, lalo na ang kinasusuklaman niyang si BRYLLE. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya dito kapag nakita niya ito. Susuntukin niya ba? Matatakot sa galit? O iiyak sa harapan niya? She really don't know. Kaya minabuti na lang niyang magpahinga sa kanila.


Nagdahilan siya sa kanyang mga magulang na masama ang pakiramdam niya kaya umuwi siya from school, apparently pinaniwalaan naman siya ng kanyang mga magulang. Hindi niya pwedeng sabihin sa mga ito na muntik na siyang ma rape at baka mahimatay pa ang kanyang Mama at baka maka patay pa ang Papa niya kapag nagka taon.


Pakiramdam niya hinang hina pa rin siya sa mga nangyari. Sa tanang buhay niya ngayon lang nangyari sa kanya ang ka demonyohang 'yon na pinag utos ni Brylle. Pakiramdam niya duming dumi siya sa kanyang sarili kahit pa hindi natuloy ang balak ng mga mokong na 'yon.


She's sobing with tears on her pillow pagkatapos niyang mag lublob sa bath tub. The only thing that gives her strength is her family. Kailangan niyang malampasan ang mga pagsubok na 'to. Kailangan.



Buti na lang weekends na kaya hindi niya makikita ang pagmumukha ng devil na si Brylle. She thank God for that. Pero pano kapag sa Monday? Sa ayaw at sa gusto niya makikita niya ito. The only choice she left is to... transfer again to another school. Pero anong idadahilan niya sa kanyang Parents? Tsaka sayang yung tuition na binayad ng Tatay niya for the whole sem kung lilipat na naman siya. Kaya haharapin niya si Brylle, no matter what. Kailangan niyang maging matapang ulit at lakasan pa lalo ang kanyang loob.



Today is another day for Helaena. Another day to face the devil Brylle. Gamit na naman ni Helaena ang kotse ng kanyang Papa. My two days business trip kasi ito sa Baguio kaya iniwan nito ang kotse. May company car namin kasi ang kumpanya na pinag ta-trabauhan ng Papa niya.



She's thinking of a revenge. Pero pano niya gagawin 'yon kung mas malakas sa kanya si Brylle?  


She's on her way to their classroom nang makita niya sina Brylle sa hallway. Nag uusap at nagtatawanan pa. Nagtangis ang mga bagang ni Helaena. Naiinis siya sa tuwing nakikita niya si Brylle at ang mga pinag gagawa nito sa kanya. Malamang pati yung detention siya ang may kagagwan. Sa isip-isip ni Helaena.



"Helaena, Im glad you're here. Bakit hindi ka pumasok last week?" Tanong ni Cahli sa kaibigan pero hindi siya nito pinansin.

Agad nakita nina Thunder na papalapit sa kanila si Helaena. "Brylle, si Helaena." Turo niya sa papalapit na si Helaena. Nakangisi lang si Brylle habang tinitignan ang papalapit na dalaga.


"Hi, oh-so-astig na Helaena." Nag wave pa si Beebop kay Helaena pero katulad ni Cahli, hindi din siya nito pinansin, nakatuon lang ang tingin nito kay Brylle. Tinitignan niya ito ng masama na para bang handa na niya itong kainin.


"Freaking coward!" Sigaw ni Helaena kay Brylle, sabay suntok sa mukha nito at sinipa pa sa maselang parte ng katawan nito.


Thunder & Beebop ------> O.O



"Aahhh..." Sigaw ni Brylle at napahawak siya sa sinipa ni Helaena. Agad na lumapit ang dalawang bodyguards ni Brylle at hinawakan sa dalawang kamay si Helaena.


"Kulang pa 'yan sa mga ginawa mo, hayop ka!" Galit na sigaw ni Helaena kay Brylle. Lahat halos ng estudyanteng nando'n ay nakatingin na sa kanila. They created another violent scene again. Lahat halos nakanganga sa ginawa ni Helaena. "Bitawan niyo nga ako." Utos nito sa mga bodyguards ni Brylle.



My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon