Chapter 40 -- Burning Lights

60 1 0
                                    



Chapter 40 — Burning Lights


HELAENA'S POV

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig dito sa gown na ibinigay sa'kin ni Brylle kanina bago siya umuwi. Isa itong mermaid cut na kulay itim. Nakalatag lang ito sa aking kama. Katabi nito ang isang invitation para sa birthday party ni Bryant kasabay ng Christmas Eve sa 24.


"Lokong Brylle na 'yon ah. Bakit siya lagi ang pumipili ng mga damit na susuotin ko sa isang okasyon? Naka isa na naman siya sa pagkakataong ito."

"Pero... pupunta ba'ko? Sinigurado naman ni Brylle na hindi ako gagawan ng kung ano'ng masama ng Tatay niya sa Party at alam niyang inimbitahan niya'ko. Pero, natatakot pa din ako." Kinuha ko ang invitation at muling binasa. "Sa Royale Grande Yacht gaganapin ang Party, na pagmamay-ari nila. Haist! Siguradong mga mayayaman ang dadalo sa Party at maliligaw ang isang hampaslupang katulad ko do'n." Binitawan ko ang invitation sabay higa sa kama na para bang ang dami kong pagod ngayong araw na'to.

Kasama rin sa imbitasyon ang Pamilya ko. Pero wala naman silang hilig do'n, kaya pinauna na nila kay Brylle na hindi sila makakadalo at ako nalang daw ang pupunta. Isa pa, Christmas Eve yo'n, kaya gusto nina Mama na nasa bahay lang kasama kaming mag celebrate ng Christmas. Uuwi nalang ako ng maaga para makasama ko din ang Pamilya ko sa Pasko.


At dumating na nga ang araw ng December 24 at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong kinakabahan na ewan. Dahil ba makikita ko na naman ang Tatay ni Brylle? O dahil may iba pa? Hay.. hindi ko na alam. Baka naman kinakabahan ako kasi makikihalubilo ako sa mga mayayaman at alta sosyedad mamaya? Pero hindi ako magpapatalo sa kanila no. Pera lang naman ang lamang nila sa'kin. Huh!


"Ang ungas na Brylle na 'yon, may pinapuntang makeup artist sa bahay namin." Inis na sabi ko kay Cahli sa telepono habang nasa harapan na'ko ng salamin. "Heto nga nag uumpisa ng make-up-an ako. Wala talagang tiwala sa'kin ang bwisit na 'yon."


"Gusto niya lang maging mas maganda ka sa lahat mamaya no." Pagtatanggol naman ni Cahli kay Brylle. "Gusto niya ikaw ang mag stand out kaya nag hire siya ng makeup artist para sa'yo."


"Party 'to ng kapatid niya, ni Bryant. At hindi ako. Siya na nga ang pumili ng susuotin ko, pati ba naman ang magiging itsura ko mamaya siya pa ang mag de-desisyon. Tss!"


"Hoy, babae ka, kung ako lang ang nasa katayuan mo kinikilig na'ko. Ang sweet kaya ni Brylle." Kahit kailan talaga mas kakampihan nitong kaibigan ko si Brylle. "Sana ganyan din ka sweet sa'kin si Beebop."


"Speaking of Beebop, kayo naba? Ikaw ha, hindi kana nag ku-kwento sa'kin."

"Pa'no ako mag ku-kwento sa'yo, eh lagi kang busy diyan sa Prince Charming mo."

"Ito naman, nagselos agad. Dali na, kwentuhan mo na'ko."


"Mamaya nalang sa party, para makita mo kung pa'no ako kiligin." Sabay tawa nito.

"Ngayon pa nga lang, nararamdaman ko na na kinikilig kana. Pa'no pa kaya mamaya?"

"Sige na. Kita nalang tayo later sa party. Bye." At in-end call na nga ni Cahli ang usapan namin.

Buti nalang at imbitado din si Cahli mamaya. Hindi ako mag fi-feeling lonely at outsider. Bakit pa kasi nauso sa mga mayayaman ang Christmas Eve Party na yan eh. Sa'min, basta kasama ang Pamilya, masaya na. Gan'on siguro talaga pag mayayaman, hindi alam kung saan gagastusin ang pera nila, kaya laging nag pa-pa-party.


Napa higpit ang hawak ko sa dala kong paper bag na laman no'n ay regalo para kay Brylle at Bryant nang naka dating ako sa venue ng party. Nakatitig lang ako sa entrance ng magarbong yate. "Tama ba 'tong napuntahan ko? Bakit parang Royal Family ang may party sa sobrang garbo nito?" Sabi ko sa aking sarili habang minamasdan ang yate at ang mga bisitang dumadalo. Bakit ang isang tulad ko ang nandito?


My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon