Chapter 15 -- The Menace

270 3 1
                                    

Chapter 15 - The Menace


Ayaw mang patuluyin ni Helaena si Brylle sa loob ng kanilang bahay ay mapilit ang Pamilya niya. Kulang na lang at hilahin nila ito papunta sa loob ng bahay. Kaya kahit ayaw din ni Brylle ay napilitan na siya.



Nasa sala sila ngayon at hindi magkanda ugaga ang Parents ni Helaena maasikaso lang ang bisita. Ito kasi ang unang pagkaka taon na may kasamang kaibigan mula sa Maynila si Helaena mula ng lumipat sila.



"Brylle Samaniego? Parang narinig ko na ang pangalan na yan, ah." Sabi ng Nanay ni Helaena. "Sa'n ko na nga ba narinig 'yon?" Pilit niyang inalala.



"Hindi na mahalaga 'yon. O hijo kumusta ka naman? Mag kaklase ba kayo nitong anak ko?" Ang tatay naman ni Helaena ang nag salita. Hindi rin tuloy alam ni Brylle kung sino ang sasagutin sa tatlo.



"Classmate slash boyfriend." Sabat naman ng kapatid ni Helaena.



"Hoy, Haven sabi ng hindi ko siya boyfriend."



"Hindi pa, sa ngayon." Sagot naman ni Haven.



"Okay lang, anak. Gusto ko na siya para sa'yo." Prangkang sabi ng Tatay ni Helaena. "Gwapo at mabait."




"Pa? Pati ba naman kayo?" Inis na sabi ni Helaena. "Hoy, ikaw!" Duro nito kay Brylle. "Tumayo kana nga diyan at umalis kana. Gabi na at nakaka istorbo kana."



Isang mahinang hampas sa balikat ang natanggap ni Helaena mula sa Nanay niya. "Hoy, bata ka, hindi ganyan makipag usap sa isang bisita. Parang hindi namin kayo tinuruan ah."




"Aray ko. Mama naman eh. Hindi naman kasi siya bisita. Nakaka abala na nga siya."



Isa pang hampas ang natanggap ni Helaena. "Sige bata ka, isa pa." Banta ng Nanay niya sa kanya.



Pigil tuloy ang tawa nitong si Brylle.



"Huwag ka ngang tumawa diyan." Inis na bulong ni Helaena kay Brylle.



"Hijo, anong gusto mong merienda?" Tanong ng Mama ni Helaena.



"Ma, dinner time na." Pagtatama naman ni Haven sa kanyang Nanay.



"Tamang tama. Dito kana mag dinner, Brylle." Suggestion ng Tatay ni Helaena. "Tara na at ihanda na natin ang mesa nang makakain na tayo." Nagtungo na sila sa dining table para maghanda ng makakain.



Pinagmamasdan naman ni Brylle ang buong pamamahay ng mga Madriaga. Kumpara sa bahay nila, parang kwarto nga lang niya ito.



"Umalis kana nga dito." Inis na sabi ni Helaena. "At kapag ininsulto mo ang bahay namin, papaslangin kita."




"Ang bait mo naman pala sa mga bisita mo. Kung alam ko lang na magiging ganito ang trato mo sa'kin ngayon, edi sana hindi na kita pinatulog sa kwarto ko nung isang araw."


"Iba naman ang sitwasyon noon kesa ngayon."


"At ano naman ang pinag kaiba nun?"


"Ikaw ang nang imbita sa'kin noon na matulog sa inyo, pero ngayon hindi kita inimbita sa loob ng bahay namin. You're not even welcome. Kaya makaka alis kana." Mataray na sabi ni Helaena.



"But your Family did. They invited me over. Ang cool nga nila. Buti pa sila mabait sa'kin. Hindi tulad mo."


"And what do you think of yourself? A saint? Huh! You're a fiend." Pang aasar ni Helaena.


My Guardian DevilWhere stories live. Discover now