Chapter 36 -- Let The Flames Begin

92 0 0
                                    



Chapter 36 -- Let The Flames Begin


"Helaena." Tawag ni Cahli sa kaibigan sabay lapit dito nang makita niya ito sa loob ng campus kasama si Venice.


"Hi, Cahli." Bati ni Venice.


Napakunot noo si Cahli nang batiin siya nito. Hindi siya sanay sa pinapakita ngayon ni Venice. "May sakit kaba, Venice?"


"I'm absolutely fine. Bakit?"


"Hindi naman kasi tayo mag kaibigan para batiin mo'ko ng ganyan."


"Cahli?" Saway ni Helaena sa kaibigan.


"But Helaena and I are friends now. At kung sino man ang mga kaibigan niya, kaibigan ko na rin." Tsaka siya ngumiti


"Talaga lang, huh." Ani Cahli na nagdududa parin sa ikinikilos nito.


"I guess, I need to go, Helaena. See you around. Bye, Cahli." Mabilis na niyang nilisan ang dalawa.


"Ano'ng nakain no'n?" Agad na tanong ni Cahli nang maka alis si Venice at nag lakad na sila sa hallway.


"Believe it or not, ayos na kami ni Venice."


"Kailan pa? Hindi lang tayo nagkita ng ilang araw, mag BFF na kayo?" Parang may tampo sa tono nito.


"Nag seselos ka sa kanya, no?" Tukso ni Helaena sa kaibigan.


"Hindi ako nag seselos. Its just that, I feel in my very deepest soul and bones that she's not sincere. Pinapasakay ka lang niya. May pina-plano siya laban sa'yo. Hindi siya totoo. Believe me, she's fake."


"Give her a chance. Ako nga binigyan ko siya ng chance para mag bago."


"Hindi ka pwedeng mag bago sa isang iglap lang. Duh! Ano 'yun? Magic? Na pagka gising niya na realized niyang ayaw na niyang maging masama at magiging mabuti na siya sa'yo at sa lahat? Kalokohan." Sabay kumpas ng kamay niya sa ere. "It will take time. Process yan, girl. Natututunan. Hindi agad agad." Mahabang litanya nito na kung tutuusin ay may point naman siya sa kanyang mga sinabi.


"Hayaan mo na siya. Ang importante, hindi na niya'ko ginugulo, kami ni Brylle."


"Sa ngayon hindi. Pa'no bukas? O sa makalawa? Believe me, may binabalak 'yan laban sa'yo."


"Wala naman siguro."


"Keep your friends close and your enemies closer. Tandaan mo 'yan, girl." May pagka inis na sa tono ng pananalita nitong si Cahli.


"Enough of Venice. Nagmumukha ka ng obsessed sa kanya, sa totoo lang." Tudyo nito sa kaibigan. "By the way, nasabi ko naba sa'yong unti-unti ng nagkaka ayos sina Bryant at Brylle?"


"Now you're telling me. Well, masaya ako para sa lahat. Ikaw lang pala ang susi para magka ayos sila."


Umiling si Helaena sa sinabi ni Cahli. "Na realized lang nila pareho na importante ang Pamilya. Na kahit ano'ng mangyari, hinding hindi ka iiwan at tatalikuran ng Pamilya mo. Si Bryant, nagparaya siya para kay Brylle. Naging selfless siya, nagawa niyang kalimutan ang sariling kaligayahan niya para magka ayos na sila ni Brylle. At si Brylle naman, na realized niyang noon pa mahal na talaga siya ni Bryant at hindi pababayaan kahit kailan. Ginawa nila 'yon para sa kanila at hindi para kanino man." Mahabang litanya nitong si Helaena.


"Sa haba ng sinabi mo. A-agree na lang ako sa'yo. Basta, everyone's happy na. Sana nga lang, mali ang iniisip ko diyan kay Venice, para talagang wala ng hahadlang sa inyo ni Brylle."


My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon