Chapter 21 - Enticement

234 4 0
                                    

Chapter 21 – Enticement

BRYLLE'S POV

Ang ayoko talaga sa Party na 'to ay puro cocktail drinks lang ang sine-serve. I want some hard drinks. But damn, hard drinks are prohibited inside Duncanville which is really so annoying. Kaya nga gusto ko pang nasa bar ako, kailangan ko lang talagang manatili dito dahil kay Helaena.


Madali lang naman siyang makita sa lahat, siya lang kasi ang bukod tanging naka pulang gown. Kaya nga 'yun ang pinili kong kulay na suotin niya para agad siyang makita ng paningin ko. 'Yun nga lang, agad din siyang makikita ng mga kalaban.


Nakaupo lang ako sa isang sulok at tinitignan siya sa standing table at pinapanood niya ang nag pe-perform na banda. She really looks so gorgeous and just... perfect tonight. Kaya halos napapatingin sa angkin niyang ganda, kaya nakakainis lang dahil halos ng mga lalake napapatigil at napapatitig sa kanya.

Nang bigla siyang lapitan ni Venice at nag-usap silang dalawa. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila, pero sigurado akong nagpapalitan na naman sila ng masasamang salita. Knowing them, hindi naman sila mag kaibigan para mag kwentuhan.


"Badtrip talaga, walang hard drinks." Biglang sabi ni Thunder na lumapit sa'kin. Buti hindi niya kasama ang kanyang date. "Punta na lang tayo mamaya sa bar." Yaya niya sa'kin. Pero wala sa kanya ang atensyon ko, kung hindi na kina Venice at Helaena.


"What do you think, Brylle?" Hindi pa rin ako sumagot sa tanong niyang 'yon. "Huy, bro." Napatingin din pala siya sa direksyon ng aking mga mata. "Eenie, meenie, mini, mo, sino nga ba sa dalawa ang gusto ni Brylle? Si Venice o si Helaena?" Sabi niya na pakanta at napatingin na'ko sa kanya.

"Thunder."

"Edi 'yan, pinansin mo din ako." Napa buntong hininga ako sa sinabi niyang 'yon. "Tapatin mo nga ako, Brylle, ito bang ginagawa mo kay Helaena eh parte pa rin ba ng plano mo kay Venice na pag selosin siya? O ayaw mo talagang mapahamak si Helaena? O may iba pang dahilan?"


"Ito lang ang sasabihin ko sa'yo, Thunder, hindi ko ginagamit si Helaena. Maliwanag?"

"Ah... gusto mo na siya." Diretsahang sabi niya sa'kin na ikinagulat ko.

"Ano?" Hindi ko gusto ang babaeng 'yon. Hindi tala— Hindi ko na din alam ang mararamdaman ko. Ang gulo na. This is so confusing and so vague.


"Hindi ko kasi alam kung talagang pinag seselos mo lang si Venice, o ayaw mo lang mag patalo kay Bryant o talagang may gusto kana kay Helaena. 'Yun lang naman ang pwedeng maging choices." He got me there. Napaisip ako sa sinabi niyang 'yon.


Nang makita kong iniwanan na ni Venice si Helaena sa standing table at patungo na ito sa table nila. Nag madali na'kong iwanan si Thunder at mabilis na linapitan si Venice sa kinaroroonan niya, sabay hawak sa kanyang braso. "Venice, mag-usap tayo."


"Brylle?" At lalong napa higpit ang kapit ko sa braso niya. "You're hurting me." Then I drag her outside the exit, kung saan walang taong makakarinig sa usapan namin.


"What do you want?" Inis na tanong niya sa'kin.


"Anong sinabi mo kay Helaena? Bakit mo siya kinausap?"


"I can't believe you dragged me away para lang itanong mo 'yan sa'kin." Tsaka niya'ko inirapan. "I just told her the truth. Ang totoong dahilan kung bakit ganyan na lang kayong magkapatid sa kanya."


"Anong pinagsasabi mo?" Sa totoo lang hindi ko talaga siya maintindihan.

"Alam ko naman na ginagamit mo lang ang babaeng 'yon para gantihan ako, para pagselosin ako."


My Guardian DevilWhere stories live. Discover now