Chapter 39 -- Breaking Fences

90 2 0
                                    



Chapter 39 -- Breaking Fences


Ang tatlong standee ni Brylle ang tila bantay ni Helaena sa kanyang kwarto kapag natutulog siya. Nilagay niya ang mga ito sa may bandang paanan ng kanyang kama para ang mga ito ang una niyang makita pagmulat ng kanyang mga mata sa umaga at ang mga ito rin ang sasalubong sa kanya pagpasok sa kanyang kwarto.


Tila maganda ang tulog kagabi ni Helaena at nakangiti pa siya habang nakapikit pa at nag uunat-unat nang umagang 'yon. Pagdilat ng kanyang mga mata ay nakita niya agad ang tatlong standee ni Brylle.


"Magandang umaga, Brylle na masungit." Bungad na sabi niya sa mga ito na akala mo naman ay tao ang binabati niya at anumang oras ay sasagutin siya ng mga ito.


Umupo siya mula sa pagkaka higa at linipat niya ang tingin niya sa nakangiting standee ni Brylle. Napasimangot siya. "Huwag ka ngang ngumiti-ngiti diyan at may kasalanan kapa sa'kin." Sabay pusto ng kamao niya sa ere na para bang susuntukin ang standee.


Nadako naman ang tingin niya sa galit na standee ni Brylle. "Kung galit ka mas galit ako. Ilang araw kana ngang nasa Singapore tapos pag uwi mo dito hindi mo pa'ko pinuntahan?" Tumayo naman siya mula sa pagkaka upo at napameywang. "Ano'ng klaseng boyfriend ka? Alam mo bang super na miss kita? Hindi mo alam 'yon kasi may ibang babae kang kas---"



"Why don't you say it straight to my face rather than venting out with those lifeless papers?" Biglang sabi ni Brylle na nakaupo sa may gilid ng kwarto ni Helaena.


"Aaahhh..." Biglang sabi ni Helaena nang marinig at makita si Brylle sa loob ng kanyang kwarto. Napahawak siya sa bed sheet at biglang napa upo sa sahig.


"Ang tagal mong magising. Alam mo bang halos trenta minutos na'kong nakaupo dito nang walang ginagawa kundi hintayin kang bumangon?" Pang aasar na sabi ni Brylle.


"Ikaw." Sabay duro kay Brylle. "A-anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?" Sabay tayo.


Nang mapansin ni Helaena na nakatitig lang si Brylle sa kanya at pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Tsaka lang niya na realize na nakapantulog pala siya. Naka pajama siya sa ibaba at isang manipis na spaghetti strap naman ang suot niya sa pang itaas at wala siyang suot na bra. Napa hablot siya sa kanyang unan at pinantakip niya sa kanyang katawan.



"That's nonsense. I already saw your bod--"  Biglang binato sa kanya ni Helaena ang isang unan kaya napatigil siya sa pagsasalita.



"One wrong word and you're dead. I swear."


"Already heard that a thousand times." Ani Brylle.



"Ano ba kasing ginagawa mo dito sa kwarto ko? Tsaka sinong nagpapasok sa'yo dito? Baka gusto mong isumbong kita kina Mama at Papa?" Pagbabanta ni Helaena.


"Tss!" Singhal ni Brylle at napatayo siya at pinagmasdan naman ang kabuuan ng kwarto ni Helaena. "Ang Mama mo ang nagpapasok sa'kin dito. Sabi ko sa kanya babalik nalang ako pag gising kana but she insisted that I should wait here... inside your room." Sabay tititg diyo.


"May topak talaga ang Mama ko. Ayaw daw munang may mangyari sa'min ni Brylle pero pinapasok naman niya dito sa kwarto ko. Tss!" Halos pabulong na sabi ni Helaena.



"Bakit hindi mo pa itapon ang mga 'to?" Na ang tinutukoy ni Brylle ay ang mga standee niya.



"Sira kaba? Sabi mo sila ang magbabantay sa'kin kapag wala ka, tapos ngayon pinapatapon mo? Ang labo mo." Inis na sagot ni Helaena.



My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon