Chapter 22 - The Game Between Love And Death

223 4 2
                                    



Chapter 22 – The Game Between Love And Death


Walang nagawa si Bryant kundi sundan na lang ng tingin ang papalayong sasakyan ng kapatid na si Brylle. Hindi niya alam ang gagawin, kung susundan niya ba ito o susunod siya sa utos nito? Gusto niyang mailigtas si Helaena sa kahit anong paraan ang pwede.

Tatawagan sana niya si Thunder nang biglang nagsalita si Venice sa kanyang likuran.

"At anong balak mong gawin ngayon? Ang maging tagapagligtas din ng babaeng 'yon? Isusugal mo ang buhay mo para sa kanya?"

Hinarap ni Bryant si Venice. "Ka—kanina kapa ba diyan?"


"So, it looks like that Helaena is torn between two brothers, huh!" Napa irap siya sa tinuran niyang 'yon. "I don't understand. Why it has to be her? Ano bang meron ang babaeng 'yon at lahat na lang kayo ay halos mabaliw sa kanya? Ha? Tell me." Tears started to form behind her eyes.

"I'm sorry, Venice. I'm sorry."

"No. Don't be sorry. Dahil hindi ako papayag na maagaw niya kayo sa'kin. No way. You know what? Mas mabuti pa ngang patayin na lang siya ng mga kumuha sa kanya. That would've been better. Para mawala na siya sa buhay natin."


"Shut up, Venice!" Sigaw na sabi ni Bryant na ikinagulat ng kaharap. Halata na sa mukha ni Bryant ang inis. Gusto na sana niyang sampalin si Venice nagpipigil lang siya. "Hindi mo alam ang mga sinasabi mo. Hindi mo alam kung ano ang pwedeng mangyari kay Helaena sa kamay ng mga taong 'yun."


"Kung kilala ko lang ang mga taong kumuha sa kanya, uutusan ko sila na patayin na si Helaena. Simula ng dumating siya sa buhay natin, naging miserable na'ko. Ginulo niya ang buhay ko. Kaya dapat lang sa kanya ang mga nangyayari sa kanya ngayon. May be that's her karma. Karma's a bitch!"


"Again, shut up! Kung wala kang magandang sasabihin, just shut up! Hindi na kita kilala. Hindi na ikaw yung dating Venice na nakilala ko." Umiiling iling pa siya habang sinasabi 'yo. "Where is the Venice that I used to know? Hindi ka naman dating ganyan ah."


Tuluyan na ngang naglaglagan ang mga luha ni Venice. "Sisihin mo ang babaeng 'yon. Nagkaka ganito ako dahil sa kanya."


"Nagkaka ganyan ka dahil sa sarili mo. Kinakain ka ng sarili mong inggit at galit." Tinitigan lang niya si Venice habang umiiyak. Hindi siya pwedeng mag aksaya ng panahon, kailangan din niyang makagawa ng paraan para matulungan at mailigtas si Helaena sa mga kamay ng Black Royalty. "I'm sorry, but I need to go. I need to save her." Tsaka na niya iniwan si Venice sa parking lot.


BIGLANG umulan ng malakas pagdating ni Brylle sa lugar na sinabi ng Black Royalty. Bumaba siya ng sasakyan at nilibot ang tingin sa buong paligid. Tahimik ang paligid at madilim.

"Nandito na'ko. Lumabas na kayo!" Sigaw ni Brylle sa kawalan. Alam niyang nasa paligid lang naman ang Black Royalty at pinapanood siya.


Ilang minuto ang lumipas bago lumabas ang ilang myembro ng Black Royalty. Isa-isa silang nagsilabasan. Siguro mga sampu din sila. Huling lumabas ang lider nila na si Daemon Maxwell. Pumagitna siya sa mga myembro niya. Naka smirk pa ito at tinignan ang relo nito sa kamay.


"You just made in time." Anito. "Talagang ayaw mong mapahamak ang babaeng 'yon. Pag-ibig nga naman. Tsk, tsk!"


"Nasan siya? Gusto ko siyang makita."


"Oopps! Not too soon, Samaniego. Makikita mo din siya."


"Nasan siya?" Pagalit na sigaw ni Brylle. "Kapag hindi niyo siya pinakita, isa-isa ko kayong papatayin!" Galit na banta ni Brylle. Tsaka niya tinignan ng masama ang lider, his deadly glare.


My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon