Chapter 28 -- Stealing Kisses

200 4 0
                                    

AN: Whoops! It's been a while since I updated the last chapter. Been busy with a lot of things especially now that I'm already working, but will try to write every now and then.

Keep holding on guys! :D


------------

CHAPTER 28 -- Stealing Kisses

Nilibot ni Helaena ang buong resort para mahanap si Brylle, nang sa wakas ay nakita niya ito na nasa pool side may hawak na bote ng alak at umiinom mag-isa.

Pinunasan muna niya ang kanyang luha, bumuntong hininga bago lapitan itong si Brylle. Nakaka ilang hakbang pa lang siya nang naunahan siya ni Venice na lapitan ito.

"Why so alone?" Tanong ni Venice nang nakalapit na siya kay Brylle. "You know, I can join you." Tsaka siya umupo sa tabi nito.

Lumapit pa ng husto si Venice kay Brylle na para bang inaakit ito. "I missed this, I miss you, I miss us."

"Venice."

"Can we just go back to the old times? When we're still so inlove with each other." Tsaka niya hinaplos ang mukha ni Brylle.

Hindi tuloy maiwasan ni Helaena na lalong mapa luha sa mga nasasaksihan.

"But you're inlove with my brother."


"Pero ikaw ang kasama ko ngayon and I'm enjoying every moment with you. Pakiramdam ko ang dami kong sinayang na oras na hind kita kasama and swear, I regret it."

"So, what made you changed your mind?"


"Si Helaena." Inis na sabi nito. "Unti-unti niyang inaagaw sa'kin ang lahat. Si Bryant, ikaw. Tell me Brylle, gusto mo ba talaga ang babaeng 'yon?"


Napa inom si Brylle sa bote ng kanyang alak at napa tingin sa paligid nang napansin niya si Helaena sa di kalayuan.


"You know what Venice? Let's just have a dinner tonight, the two of us, if you want." Anyaya nito at siniguro niyang narinig 'yon ni Helaena. "Then let's just talk about us."


"Oh! Sure. I would love to. Do'n na lang natin pag-usapan ang tungkol sa'tin. I would just go get dress upstairs." Tumayo na siya pero bago umalis ay hinalikan niya sa labi si Brylle. "I love the smell and the taste of the alcohol on your lips." Malandi pa na dagdag nito.


Lalong nag landasan ang mga luha ni Helaena sa mga narinig. Nag dadalawang isip siya kung lalapitan pa ba niya si Brylle o susuko na lang ng basta-basta.

Tumayo na si Brylle at akmang aalis na sa may pool side.

"B-Brylle." Garalgal na sabi ni Helaena at nag madali na niya itong lapitan nang nakita niya itong paalis na. Pero hindi man lang siya nilingon nito. "Pwede ba tayong mag-usap?"


"For what?" Inis na sabi ni Brylle. "Diba mas pinili mo na si Bryant kesa sa'kin?"

"Hindi. Hindi ganon 'yon. Akala ko ba mahal mo'ko? Sabi mo mahal mo'ko. Pero bakit iba ang pinapakita mo? Iba ang pinaparamdam mo."


"Nung sinabi kong mahal kita, sinabi mo bang mahal mo din ba'ko? Hindi diba? Ano ngayon ang inaasahan mong mangyari? Ang habulin kita? Ang suyuin kita? Para saan? Para ipamukha mo sa'kin na si Bryant naman talaga ang gusto mo at hindi ako? Para lalong saktan ako?" May hinanakit na sabi ni Brylle at medyo napasigaw na.


Lalong napaluha si Helaena sa mga nangyayari. Linapitan niya si Brylle at niyakap sa likod. "Brylle, I'm sorry. Sorry, hindi ko alam. Hindi ko alam na nasasaktan na pala kita. Sorry, na naging selfish ako, na hindi ko nasabi sa'yo agad ang nararamdaman ko. Sorry, kasi lalo kitang nasasaktan sa tuwing kasama ko si Bryant. Naging unfair ako, I'm sorry." Iyak lang siya ng iyak.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon