Chapter 18 -- The Preparation

191 4 1
                                    



Chapter 18 – The Preparation


Ilang araw ding nanatili lang sa bahay itong si Helaena. Wala siyang ibang kasama kundi ang Mama niya. Si Haven nasa school, ang Papa niya ay nag ta-trabaho. Wala ng ibang ginawa ang Mama niya kundi tanungin siya tungkol sa estado ng relasyon nila ni Brylle, na kung tutuusin ay wala naman talaga. Pilit siyang pinagpipilitan ng Mama niya dito kaya itong si Helaena rinding rindi na.


Buti na lang tinawagan siya ni Cahli at niyayang siya nitong lumabas at magsusukat daw sila ng ball gown para sa Masquerade Party mamayang gabi na gaganapin sa Duncanville University.


Nasa isang Ball Gown boutique na ang dalawa at nagsusukat ng mga gowns.


"Sa totoo lang nakalimutan ko na ang tungkol sa Masquerade Ball na 'yan, kung hindi mo pa'ko tinawagan." Ani Helaena na noon ay nakaupo lang sa sofa at hinihintay na lumabas ng fitting room si Cahli na nagsukat ng gown.


"Well, you must thank me for reminding you." Sigaw ni Cahli na hindi pa rin lumalabas ng fitting room.

"Oh! Well, thank you pero wala akong balak mag attend ng Ball."


"You will miss half of your life if you won't attend. This Ball will be the best Party ever. Believe me. Lahat ng nag aaral sa Duncanville ay ito ang pinaka hihintay nilang Party."


"I'm excluded." Ani Helaena.


Lumabas na ng fitting room si Cahli at napaka ganda niya sa sinukat niyang gown. It's a nude tube gown, mermaid cut that perfectly fits her body. "So, what do you think?"


"You look so—beautiful on that gown. It perfectly fits you." Komplimento ni Helaena.


"Thank you, Helaena. Actually ito talaga yung pina reserve ko since last month pa. And I worked hard para lang magkasya sa'kin 'to. Nag diet kaya ako ng bongga."


"Well, you made it. Bagay na bagay sa'yo."


Tinignan pa ni Cahli ang sarili niya sa salamin at umikot para lalong makita ang gown hanggang likod. Talaga namang bagay na bagay sa kanya ang napili niyang gown. "Hey, you should also look for your gown."


"I won't attend. Sinamahan lang kita kasi na bo-bore na'ko sa bahay tsaka nagsasawa na'ko kay Mama sa kaka banggit niya sa bwisit na Brylle na 'yon."


"Uhm.. Miss Forteza, I will get this one." Ani Cahli sa nag babantay ng shop. "Speaking of Brylle, I'm sure he's expecting you to attend."

"So?"

"Anong so? Alam mo bang ang tatlong Prinsipe ang inaabangan ng lahat sa Ball at kung sino ang mga masu-swerteng magiging date nila? Well, last year ang date ni Beebop ay yung magandang anak ng isang Stock holder ng Duncanville. Si Thunder naman ay yung ex cheer captain ng Squad. At si Brylle...."

Napatingin ng husto si Helaena kay Cahli nang banggitin nito si Brylle. Tila gusto niyang malaman kung sino ang naging date last year ni Brylle.


"Si Brylle at Venice ang magka date last year."

"Vague feelings. What's this?" Anang isip ni Helaena nang marinig ang sinabi ni Cahli. "Ba-bakit silang dalawa? Hindi si Bryant ang date ni Venice?"


"It's because sina Brylle at Venice ang hottest couple last year."


"Huh? Nagkaron sila ng relasyon?" Gulat na tanong ni Helaena. "Abnormal heart beat. Here it goes again." Sambit ng utak ni Helaena. "Tss! Kaya pala gano'n na lang ka protective itong si Brylle kay Venice, naging girlfriend niya pala."

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon