Chapter 1 -- I See Fire

827 10 2
                                    





ALL RIGHTS RESERVED.



NO PART OF THIS STORY MAY BE REPRODUCED OR TRANSMITTED IN ANY FORM OR BY ANY MEANS. PHOTOCOPYING, RECORDING OR OTHERWISE, WITHOUT THE PERMISSION OF THE AUTHOR.

DO NOT PLAGIARIZED.



PLAGIARISM IS A CRIME!





----------------------------

CHAPTER 1 -- I SEE FIRE


Nasa supermarket ng isang mall si Helaena at namimili. Nasa meat section siya at kumuha ng ilang karne at nilagay 'yon sa kanyang push cart.




"Bakit kasi di pa'ko sinamahan ni Mama na mag grocery?" Inis na sabi niya habang nakatingin sa grocery list na hawak niya. "Bwisit kasi ang kapatid ko na 'yun. Kung hindi siya gumawa ng kalokohan sa School, hindi sana pumunta dun si Mama at may kasama sana ako ngayon." Patuloy na hinanakit niya.



Papunta na siya sa cashier para bayaran ang kanyang mga pinamili. Pagliko niya, hindi niya napansin yung lalakeng nakaupo na parang may pinagtataguan, kaya nabangga niya ito sa likuran.




"Ay? siomai!" Gulat na sabi ni Helaena.



"Ouch! That hurts!" Inda nung lalakeng nabangga ni Helaena. Napatayo tuloy ito.



"Pasensiya na, hindi ko sinasadya."


Kahit na nag pasensiya na si Helaena ay tila galit pa rin itong lalake sa nangyari. Halata kasi ito sa ekspresyon ng mukha nito na salubong ang mga kilay.


"Kapag nadumihan ang damit ko at kapag nasugatan ang likod ko, humanda ka sakin. You're dead!" Seryosong bannta nung lalake.


"Ang OA mo naman. Anong akala mo sa push cart? Gulong para madumihan ka? Kutsilyo para masugatan ka?" Inis na sabi ni Helaena. "Atsaka ano bang akala mo dito sa supermarket? Mahabang sofa na pwede kang maupo kahit saan?"


"Hoy, ikaw." Napalakas na ang tono ng pananalita ng lalake. "Do you have any idea who I am?" Galit na tanong pa nito.


"Hindi." Mabilis na sagot ni Helaena. "At wala akong pakialam kahit sino kapa. Kahit ikaw pa ang anak ng Presidente. Kuha mo?" Nakapameywang pang sabi nito.



Nang may apat na lalakeng naka tuxedo ang pumasok sa loob ng supermarket na para bang may hinahanap.


Sasagot pa sana yung lalake kay Helaena pero nakita niya yung mga naka tuxedo kaya umupo ulit siya para hindi siya makita ng mga ito.


"Bakit ba umupo ka ulit diyan? Tumayo ka nga." Utos dito ni Helaena.


"Sshh!" Suway nung lalake kay Helaena. "Kung hindi mo kayang manahimik diyan, umalis ka na lang dito, pwede?" Halos pabulong na sabi niya.


"Iniinis talaga ako ng lalakeng 'to." Pabulong na sabi ni Helaena at tinignan nito kung kanino ba nagtatago ang lalakeng kaaway niya at nakita niyang sinisilipan nito yung mga naka tuxedo. "Psst!" Tawag ni Helaena sa apat na lalakeng naka tuxedo. "Sinong hinahanap niyo? Yung lala--"


Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil mabilis siyang hinila nung lalake pababa at napaupo din tuloy ito sa sahig at tinakpan ang bibig nito. Nagpupumiglas siya pero sadyang malakas talaga yung lalake kaya kinagat na lang niya ang kamay nito.



"Aray! Nakakadalawa kana ah." Pabulong pero pa galit na sabi nung lalake.


"Eh bakit kasi pati ako dinadamay mo diyan sa kalokohan mo?" Inis na sabi ni Helaena.


My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon