Chapter 32 -- When Fire Meet Gasoline

95 2 0
                                    



Chapter 32 -- When Fire Meet Gasoline


Walang ibang maririnig sa loob ng sasakyan kundi puro hikbi ng umiiyak na si Helaena. Mula ng umalis sila sa loob ng cafe, ay hindi na siya tumigil sa pag iyak. The calmness of the night interrupts by her sobing. Habang tahimik lang mula kanina si Brylle.


Hanggang sa makadating sila sa harapan ng bahay nina Helaena.


He looks at her as if he wants to hug her tight. So tight that he won't let her go. But you could also see fury in his eyes.


"Ano bang gagawin ko sa'yo para tumigil ka na sa pag iyak mo?"


"Hindi ko alam." Pahikbing sagot ni Helaena. "Basta ang gusto ko lang ay maayos na ang lahat. Kasalanan ko. Kasalanan kung bakit kayo nag aaway ni Bryant."


"Magka away na kami ni Bryant bago ka pa dumating."


"Oo, pero lalong lumala nang dumating ako. At ayokong dumating sa point na magkasiraan kayong tuluyang magkapatid. I can only blame myself."


"Walang ibang dapat sisihin kundi si Bryant. Simula pa lang nung una, inaagaw na niya lahat sa'kin. Ang atensyon ni Dad at ni Mom, si Venice. At ngayon ikaw naman ang gusto niyang agawin. Ayaw niya'kong maging masaya. Dahil makasarili siya. Dahil gusto niya lahat na sa kanya, hanggang walang matira sa'kin. Kaya hindi ako papayag na pati ikaw makuha niya sa'kin."


"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo? Walang inaagaw sa'yo si Bryant. Binubulag ka lang ng galit mo sa kanya. Hindi niya niligawan si Venice noon kahit mahal niya ito dahil ikaw ang iniisip niya. Dahil ayaw ka niyang masaktan. Dahil mahal ka ng kapatid mo."


"At talagang pinag tatanggol mo pa siya? Ano? Iiwan mo'ko tulad ng ginawa ni Venice? Para pumunta sa kanya?"


"Siguro nga mas mabuti pang gawin ko 'yon. Ang iwanan ka." Pasigaw na sabi nto. "Pero hindi para pumunta sa kanya. Mabuti pa ngang mag hiwalay tayo para hindi na rin kayo nagkakasakitang magkapatid."


"So, sa tingin mo kapag ginawa mo 'yon magkaka ayos kaming dalawa? Hindi!" Pasigaw na sabi ni Brylle. "Lalo mo lang palalalain ang sitwasyon. Kahit kailan hindi na kami magkaka ayos pa ni Bryant."


Dinako ni Helaena ang kanyang tingin sa bintana ng sasakyan at muling umiyak at hindi sinagot si Brylle.


"Hindi mo'ko pwedeng iwanan, Helaena. Dahil hindi ako papayag, naiintindihan mo ba?"


Hindi na alam pa ni Helaena kung matutuwa siya o matatakot sa mga sinabi ni Brylle na hindi ito papayag na mawala ito sa kanya.


Sa tindi ng emsoyon ng dalawa, hindi na nila namalayan ang paglapit ng Mama ni Helaena sa sasakyan, sabay katok sa bintana ng kotse.


Bago binuksan ni Brylle ang bintana ay pinunasan na ni Helaena ang kanyang mga luha at bahagyang nag ayos ng sarili at ng tindig para hindi mahalata ng Mama niya ng umiiyak siya.


"Good evening, Tita." Bati ni Brylle sa Mama ni Helaena, na halos hindi makatingin ng diretso dito. Pero nanatili pa rin siyang kalmado.


"Magandang gabi din, iho. Ano pabang ginagawa niyo diyan? Pumasok na kayo sa loob."


Hindi rin naman makatingin ng diretso itong si Helaena sa kanyang Mama dahil sigurado siyang mapula ang kanyang nga mata dahil sa pag iyak at mahahalata siya nito.


"U-Uuwi na din ho si Brylle, Ma." 'Yun lang ang sinabi ni Helaena tsaka na siya lumabas ng sasakyan. Ni hindi man lang niya sinulyapan si Brylle.


My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon