Chapter 44 -- Still Into You

59 2 0
                                    



Chapter 44 — STILL INTO YOU

"Cahli, I can't go back to work as long as he's staying there. Hindi ko kaya." Sabay bagsak ng katawan ni Helaena sa kanyang kama habang kausap si Cahli sa phone ng umagang 'yon. "Hindi ko kayang makasama siya ulit." Napapaluha na din siya sa kanyang pakikipag usap sa kaibigan.


"Well, I thought you already moved on? Therefore, dapat kaya mo na. Dapat handa ka na sa anumang mangyari. Hindi ba, you told me, pinag handaan mo na ang araw ng pagkikita niyong muli?"


"Yeah, but.. its too early. I'm not expecting to see him this soon. At lalong hindi ko inaasahang sa hotel ko pa siya makikita. Sa hotel kung saan ako nag ta-trabaho. Can you imagine that?"


"That's what you called 'destiny'. And hello? Its almost 2 years since you last saw each other. And that was Christmas Eve, remember?"


"No. The last time I saw him was at the airport. Yes, Cahli, pinuntahan ko siya noong araw na lumipad sila papauntang Amerika. Pero hindi ako nagpakita sa kanya noon dahil alam kong wala din naman akong magagawa para maibalik pa ang lahat. Iniwan na niya'ko eh." Malungkot na pahayag ni Helaena at ngayon lang niya sinabi sa kaibigan ang pangyayari na 'yon. "I was crying the whole time when he left. Tapos hanggang ngayon, umiiyak parin ako nang makita ko siyang muli. Its unfair, Cahli. Its unfair."


"Who told you that life is fair? Life is complicated, love is complicated and you are complicated." Dikdik niya sa kaibigan. "Mahal mo pa siya no? Oh! Wait, huwag ka ng sumagot, I already know the answer."


Bumuntong hininga si Helaena at dinig talaga sa kabilang linya ang pag iyak niya. "Wala akong sinabi. I never told you that I still love him."


"And you never denied it, though. Well, anyways, you have to deal with him wether you like it or not. Kung ayaw mong mawalan ng trabaho oramismo."


"Nag file na'ko ng 2 days sick leave. Pero i-e-extend ko nalang siguro habang nasa hotel namin siya. Babalik nalang ako pag alis niya. O kaya.. uhm.. ng vacation leave, mas madali 'yon at mas matagal." Sabay punas sa kanyang luha.


"Oh God!" Sabay tampal ni Cahli sa sarili niyang noo. "You're impossible, Helaena."


"Everytime na magkasama kami, para akong nauupos na kandila sa mga titig niya. If you just know how that feels. It seems like he's seducing or teasing me or something."


"At marupok ka. Pakiramdam ko konting konti nalang at bibigay kana ulit sa kanya."


"Hindi pwede." Sabay tayo niya sa pagkakahiga. "Ayoko. I don't wanna be a mistress."


"Sinong may sabing magiging kabit ka?"


"Kasal siya kay Liv, hindi ba? Kaya nga niya ako iniwan kasi magpapakasal siya kay Liv. And so they did. No, Cahli. Ayoko. It's illegal. It's absurd. No. No. No."


Natatawa tuloy itong si Cahli sa kabilang linya.


"Bakit mo'ko pinagtatawanan? Iyak nga ng iyak dito tapos ikaw pinagtatawanan mo lang ako? Now, I hate you."


"You know what? If I were you, just follow your heart. Follow what you really wants. Believe me, you won't regret it. If you still want Brylle then go for it."


"Cahli, hindi mo ba'ko narinig? I said its illegal. He's married. Atsaka bakit bigla bigla kana lang nag iba ngayon? What now? Ikaw na ulit ang Presidente ng love team namin?"


"Why not?"


"No way. That was College Days. You can't and never will be our number one fan again. Huwag mo siyang kampihan. Please lang, Cahli."

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon