Chapter 22

131 12 0
                                    

Charm's POV

Pag ka alis ng sinakyan nila Dara at Jiro biglang nag Flashback saken yung nangyare kanina

"Itong si Dara kilala ko na to. Ito ba ang mga kaibigan mo iha?" Yung kilala na siya ng magulang ng taong gusto mo. Wala lugi ka kaagad. First Kill.

"Opo tita." tapos siya natatawag na niyang Tita yung mama ng gusto ko. Double kill.

"Mabuti naman kung ganon. so, pano iuuwi ko na tong si Jiro at si Dara." iuuwi si  Jiro at Dara. Triple kill.

"May dinner tayo together hindi ba nasabi ng mom at dad mo?" may dinner sila both side, aw defeat.

Wala naman akong magagawa doon. Ano ko nga ba si Jiro? isa lang naman ako doon sa taga hanga niya. Ayoko munang isipin sa ngayon yung bagay na naiisip ko ngayon. Nakita ko yung mga tinginan ni Tiff at Ley kahit si Seth na walang paki alam tiningnan ako. Haha.

"Ano ba yang mga tingin niyo?" natatawang sabi ko. "Okie ka lang?" sabi ni Tiff. "Oo naman. Bakit naman hindi haha." hindi ko alam bat nagagawa ko pang tumawa.

Habang nag uusap usap sila nag uusap usap din ang boys tungkol kay Dara at Jiro.

"Hindi ko alam na matagal na palang mag kakilala si Jiro at Dara." sabi ni Dylan. "Kailangan  talaga mag paliwanag ni Jiro satin." sabi naman ni Zayn.

"Baka hindi natin alam mag girlfriend- boyfriend na pala yung dalawa." sabi naman ni Khen. Bat kailangan sabihin yan Khen? HAHA.

"Tara na mag si uwian na tayo." pag iiba ni Ley. Nag si uwian naman kami at pumasok naman ng campus ulit si Seth at Khen.

Pag kauwi kong bahay nag kakatuwaan sila sa sala. Hindi man lang nila napansin na dumating na ako. Wala eh. Hindi ako paborito nilang anak haha.

Kinabukasan maaga akong pumasok, walang bago naman. Maaga talaga ako pumapasok. Bago pa man magising ang lahat sa bahay naka  bihis na ako at ready na umalis.

Dahil maaga pa pumunta muna ako sa canteen para mag almusal. Routine ko na ata to. Pag katapos ko sa canteen tsaka na ako mag aantay sa bench, antayin mga kaibigan ko, antaying bumukas ang building namin at tingnan sa malayo si Jiro habang kunyare nag babasa ng libro.

Busy sila sa Practice nila. Yumuko nalang ako sa mesa at nag antay. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako ng maramdaman ko ang araw na sakto sa mukha ko. Hinayaan ko lang at dinama. Napamulat ako ng hindi ko maramdaman ang pag dampi ng araw sa mukha ko.

Naaninag ko ang mukha ni Jiro. Nananaginip ba ako? ni imagine ko na naman atang nilapitan ako ni Jiro. Pinikit ko nalang ulit mata ko at minulat.

Umayos ako ng upo.

"Arayyy" sabi naman ni Jiro ng bigla ko siyang sinapak.

"Halaaaa, sorry akala ko kasi hindi totoo." ang tanga tanga mo Charmagne. "Ganon na ba ako kagwapo para mapag kamalang hindi totoo." biro niya habang hawak hawak ang pisngi niya.

"Masakit ba. Sorry talaga." sabi ko sabay hinawakan ang pisngi niya at hinimas ito. Natigil ako sa pag gawa non ng maalala ko kong ano ginagawa ko.

"Tinatanong mo pa kung masakit, malamang napakalakas ng pag kakasampal mo eh." naiilang niyang sabi.. "Ikaw kasi bakit ba andyan ka." bawi ko naman sa kanya.

"Kasalanan ko pa tuloy. N-naarawan mukha mo k-kaya inantay ko munang lumampas ang araw sa m--mukha mo." nauutal na sabi niya. "Ano naman pakialam mo doon, hindi mo naman yan mukha." biro ko sa kanya.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now