Chapter 46

103 10 0
                                    

Khen POV

"1 year ago, nag pumilit Mom niyo na dito nalang ipag patuloy yung pag chemo niya. Na wala pa ding kasiguraduhan kung mag tutuloy tuloy na pag galing niya. Pero nong kanina lang lumabas na yung test ng Mom mo." biglang naiyak si Mom pati na din si Dad.

Ayokong isipin, sana iba tong naiisip ko.

"Ano ba Dad, kinakabahan ako." sabi ni Jazz. "Dad, Mom, wag naman sanang masamang balita yung dala niyo pag uwi niyo dito sa bahay." dagdag pa ni Jazz. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nawalan ako ng sasabihin.

"1 month nalang ang itatag---."

"No" pag pipigil ni Jazz sa sasabihin ni Dad. Tuluyan na naman nag si'bagsakan ang mga luha ni Jazz. Pati ako diko na napigilan di maiyak.

"Tama na yung sakit dati Mom, Dad, wag niyo ng dagdagan." sabi ko. "Ano ba kayo patapusin niyo kasi Dad niyo." tatawa tawang sabi ni Mom. Kanina palang umiiyak siya eh.

"1 month nalang ang itatagal ng pag chemo ng Mom niyo. Pag katapos non magaling na siya." sabi ni Dad. Bigla naman ako nakahinga ng maluwag.

"Talaga ho Dad, Mom?" pag sisigurado ni Jazz. Tumango naman si Mom at Dad. "Nang malaman namin yung resulta, kayo agad naisip namin. Kaya dina namin pinag bukas pa." sabi ni Mom.

Nong gabing yun iba yung naramdaman ko. Sobrang gaan sa pakiramdam. Sobrang saya. 1st time kung matulog ng hindi iniisip kung anong mangyayari kinabukasan.

Kinabukasan

Si Mom at Dad yung nag gising samin. Sila din yung nag prepare ng lahat.

"Mom, Dad kala ko po nananaginip lang akong umuwi po kayo." masayang sabi ni Jared. "Oo nga po." sabi naman ni Jade. "Mag almusal na kayo. Ihahatid namin kayo sa School." sabi ni Dad.

Napatingin kaming mag kakapated sa sinabing yun ni Dad. Hindi ako makapaniwala na nangyayari to.

"Uunahin muna nating ihatid si Jade at Jared. Sunod si Jazz at last kana Khen." sabi ni Mom. Andito na kami ngayon sa kotse. Habang si Dad busy mag maniho.

"Kahit si Jade at Jared nalang ho ang ihatid niyo Mom, Dad." sabi ko. Sumang ayon naman si Jazz. "Ano ba kayo isang beses lang naman to. Hayaan niyo na kami." sabi ni Dad. Wala naman kaming nagawa. Nakarating kaming school. Pinag titinginan kami ng mga tao.

"Yan ba yung parents ni Khen?"
"Sabi ko naman sainyo kapated ni Jazz si Khen eh."
"Hindi ko alam na may parents sila."
"Diba sabi nila wala silang parents."
"Ang saya nilang tingnan no."
Yan yung mga bulungan nila.

"Hayaan niyo sila." sabi ni Dad at inakbayan niya kami ni Jazz. Habang si Mom naman hawak sa mag kabilang kamay si Jade at Jared.

Pag kadating namin sa room nila Jade at Jared. Gulat yung mga kaklase nila ng makita kung sino kasama ni Jade at Jared.

"Sabi ko naman sainyo eh may Mom at Dad kami." proud na sabi ni Jared. Pag kahatid namin sa kambal dumiritso kami sa room nila Jazz.

"Mom,Dad Nakakahiya." sabi ni Jazz. "Kasi naman eh grade 11 na ho ako." sabi ni Jazz. Tinawanan naman namin siya. "Nasa 3rd floor yung room mo khen diba?" sabi ni Dad. Pati yun alam nila. Lahat naman ata alam nila eh.

"Wag na kayong umakyat Dad mapapagod lang si Mom." Sabi ko. "Hindi, kaya ko yun ah." singit ni Mom. "Hanggang dito nalang Dad,Mom." Sabi ko pa. "Baka po mag hina kapa Mom." sabi ko pa.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now