Chapter 2

492 20 0
                                    

Zayn's POV

Hindi na ako naka pag pigil sinundan ko si Princess.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya. "Princess, pasaan ka?" tanong ko pa. "Mag sisimula na yung 2nd subject." sabi ko pa. "Prin---..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng humarap siya saken.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong niya. "Sinusundan ka." tugon ko. "Sinabi ko naman diba na---.." tinigil ko din ang sasabihin niya.

"Alam ko. Pero wag naman yung pati pag pansin sayo bawal." sabi ko sa kanya. "Ayokong pag usapan to. Umalis ka sa harap ko." sabi niya.

Pero hindi pa din ako nag patinag. Sinundan ko pa din siya. Paakyat siya sa rooftop.

"Bakit mo ba ako sinusundan?" tanong niya. "Hindi kita sinusundan ah. Dito lang daan sa pupuntahan ko. Wag kang assuming." ngingisi ngising sabi ko.

Hinayaan naman niya ako. Nakarating kaming rooftop na tahimik.

"Prin--"

"Seth." pag tatama niya. Wala pa ding siyang magagawa. Siya parin yung Princess ko, namin.

"Masaya ako na bumalik kana. Sobrang na Miss kita." Seryosong sabi ko sa kanya. "Kung ang pag sunod mo saken ay para sabihin yan.... Pwede ka ng umalis." sabi niya.

"Princess naman. Bakit ganito??" naguguluhang tanong ko. "Anong ganito ba" tanong niya.

"Hindi ka naman ganito eh. Hindi na ikaw yung Princess na kilala namin." sabi ko sa kanya. Napaharap naman siya saken.

"Ano ba ako dati? Diko na maalala kung sino ako dati. Kinalimutan ko na kung ano ako dati. Kaya kalimutan nyo na din kung ano ako dati. Hindi na ako yung Princess na kilala niyo." tuloy tuloy na sabi niya.

"Hindi ka din ba mag papaliwanag kung bakit umalis ka dati? Kung bakit iniwan mo ako? Kami? Kung bakit ayaw mo kaming puntahan ka? Kung bakit tinaboy mo kami?" Tuloy tuloy na tanong ko.

"Umalis kana." sabi niya. Hindi ko siya pinakinggan.

Kahit isa wala man lang siyang sinagot sa tanong ko. Ang dami kung gustong itanong sa kanya. Pero malabong sagutin niya ako.

"Nga pala ano nag pabago ng isip mo para bumalik ka dito?" tanong ko na naman. "Wag kang mag alala. Hindi ako mag tatagal dito." tugon niya.

Aalis na sana siya ng mag salita uli ako.

"Sana buksan mo yang puso mo samin. Hindi pa naman huli ang lahat para mag simula uli diba? Mag aantay ako, hindi lang ako. Lahat kami mag aantay sa totong pag babalik mo." seryosong sabi ko sa kanya.

"Sabihan mo lang ako pag may kailangan ka. Katulad ng dati. Ako na bahala sa lahat at hayaan mo din akong lumapit sayo." sabi ko sa kanya.

Hindi ko na inantay pa ang sasabihin niya. Bumaba na ako at dali daling tinungo ang classroom namin. Hindi ko na naabutan yung 2nd subject. Pag dating ko nakaalis na si Miss. 30 mins lang yung nagamit niyang oras.

"Saan ka galing?" salubong saken nila Khen. "Dyan lang sa tabi tabi." gulat naman sila pati nadin yung mga classmate namin.

"Anong nangyayari sa top student nating si Zayn?" sabi ni Dale habang nasa teacher table siya. "Ito ata yung kauna unahang nag cut ka." sabi naman ni Jiro na katabi si Dale.

"Pasalamat ka hindi counted yung first day. Muntik ka ng mag ka record." sabi naman ni Khen. "So, saan ka galing?" sabi naman ni Dylan.

"Tigilan niyo ko." sabi ko at umupo na doon.

INTO YOU (COMPLETED) Kde žijí příběhy. Začni objevovat