Chapter 44

102 9 0
                                    

Seth POV

Nag lalakad lakad ako. Diko alam kung saan ako idadala nitong paa ko. Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kanina. Rinig ko pa din yung mga line na yun.

"Kailan, ka titigil sa kaka rebelde mo na yan Princess? Aantayin mo bang madamay lahat ng mga taong nakapaligid sayo? Tama na Princess."

"Mom, wala naman pong kasalan si Princess sa nangyari kanina." 

"Wag mo ng ipag tanggol pa yan. Hindi to mangyayari kung wala siyang pinasukang gulo." 

"Ano bang gusto mong gawin namin?"
"Ibalik niyo ako sa probinsya."

"No, Ate, hindi ka na babalik doon."
"Diba una palang naman ayaw niyo na ako dito? bakit niyo ako pipigilan."

Gusto kong mag mag isip isip hindi ko namalayang napadpad ako sa park. Paupo na sana ako doon sa may swing ng mahagip ng mata ko si Khen na parang tangang nakatulala. Ang liit talaga ng mundo.

"Sabi ko naman sayo para kang tanga pag naka tulala." gulat naman siya napatingin saken. "Papatayin mo ba ako sa gulat. ha!" inis na sabi niya.

"Ano ba kasing nangyari sayo bat parang pasan mo ang mundo." sabi ko. "Bakit nag aalala kaba?" tanong niya. "Oo." seryosong sabi ko. "Naku, ede mas lalong nainlove ka saken niyan." bawi ko. "Alam mo manahimik ka nalang Seth." sabi niya. Nag bibiro lang eh.

"Ano ba kasi yun? makikinig ako." sabi ko. "Pati si Manang nag sinungaling samin." sabi niya. Inantay ko lang sasabihin niya. Nag kwento naman siya na parang bata.

Flashback

"Akala ko ho, ayaw ni Khen ng sinigang." sabi ni Mom. "Akala ko din ayaw kumain ni Khen ng sinigang. Nang tinanong ko siya dati, sabi niya ayaw niya daw." paliwanag ni Manang.

"Buti naman nagustuhan nila lahat yung luto mo." sabi Manang. "Anong ibig niyong sabihin?" singit ko sa kanila. "Hindi ho ba ganon yung lasa ng niluluto mo Manang?" tanong ko. Hindi silang dalawa nakakibo.

"Pati ikaw Manang mag sisinungaling sa amin?" tanong ko pa. "Pasensya na iho." sabi ni Manang. "Yung Mommy mo lahat nag pre'prepared ng kakainin niyo. Halos lahat lahat siya gumagawa. Pag hindi naman busy ang Daddy niyo tumutulong siya." paliwanag ni Manang.

Dumating na din si Daddy galing kusina. Kasabay ng pag dating ni Dad ang pag alis ni Manang.

"Anong nangyayari? naguguluhan ako." sabi ni Jazz na kadadating lang din galing kwarto niya. Pati na din si Jade at Jared. "Ibig po bang sabihin na hindi niyo po talaga kami iniwan?" sabi ni jade na pinipigilang umiyak. "Totoo po ba yun Mommy? Daddy?" sabi naman ni Jared. Tumango naman si Mom at Dad.

"Ang sama sama niyo para gawin to. Hindi niyo ba alam na sobrang nahirapan kami? tapos malalaman lang namin na..." mangiyak ngiyak na sabi ni Jazz. "Hindi niyo manlang naisip mararamdaman namin. Ang sama sama niyo." dagdag pa na sabi ni Jazz. At tuluyan na siyang naiyak. Pati si Jade at Jared umiyak nadin.

"Pinag lalaruan niyo ba kami?" singit ko. "Mag papaliwanag kami." sabi ni Mom. Umiyak na din si Mom.

"Wag muna ngayon. Hindi ko pa kayang maniwala ulit, hindi pa kami ready dyan sa walang kwenta niyong sasabihin." sabi ni Jazz. "Tara na Jade at Jared." sabi ni Jazz. Wala naman nagawa pa si Jade at Jared kung hindi ang sumunod. Naiwan kaming tatlo doon.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now