Chapter 11

143 16 0
                                    

Khen's POV

Maaga akong pumasok ngayon. Pinapatawag daw ako ng principal. Hindi ko alam kung bakit. Pag kadating kung school dumiritso agad ako sa office. Walang pag alinlangang kumatok ako.

"Come in." Agad na sabi ng nasa loob.

Pag ka pasok na pag kapasok ko. Tinuro niya agad ang upuan sa harap niya. Kaya umupo na ako doon.

"Pinatawag niyo daw po ako?" Tanong ko agad. "Hmmm." sabi niya sabay tango.

"Nabalitaan kung pinalabas ka daw ng Teacher niyo nong Friday sa kadahilanang hindi ka daw naka school shoes, dahil ba yon sa pag kawala ng sapatos mo?" Dagdag niya pa.  Bakit alam niyang nawawala ang sapatos ko? Siya ba nag tago non?

"May siraulo kasing nag tago." Bigla akong natauhan sa sinabi ko. "Bakit niyo po alam na nawawala ang sapatos ko?" Pag iiba ko.

"Ok lang sanang pinalabas ka kasi hindi na bago yun sayo. Kaso yung hindi pumasok ng buong mag hapon. Iba na yun." Pag iiba niya din. Bakit ba big deal sa kanya yun.

Itong Principal namin sobrang bata pa. Siya palang ang principal na naging principal dito sa school na nasa 20s. 23 or 25 ata edad niya. Ang alam ko wala pa dati nitong k-12. Hindi niya naabutan. Dito din siya nag graduate sa school na ito.

Pag ka graduate niya nag pahinga lang siya ng isang year or dalawa ata tsaka siya naging principal dito. Hindi ako stalker. Talagang alam lahat ng estudyante dito. Kasi sinabi ng dating principal bago umalis. Bakit ba nag papaliwanag ako. Hmp.

Pagkatapos akong kausapin ng principal dumiritso ako sa room namin. Padami ng padami ang dumadating. Dahil PE ang subject namin ngayong first period, yung iba nakabihis na ng PE uniform yung iba pabihis pa lang.

"Bro, ang aga mo ata ngayon ah?" Salubong na tanong ni Zayn saken kasama sila Dylan. "Ginaganahan ka atang pumasok." makahulugang sabi ni Dylan.

"Ano kayang nag papagana sa kanya Dylan?" Gatong pa ni Dale "Babae ba ito?  Transferee ba to?" Dagdag pa ni Jiro.

"Tigilan niyo ako ah. Pinatawag ako ng principal. Kaya maaga akong pumunta dito. Mga utak niyo ah." Paliwanag ako. "Bakit daw?" Nag tatakang sabi ni Zayn.

"May gusto ata saken eh." sarkastiko kong sabi.
"Pag ikaw nga magtanong saken. Who you ka. Hahaha." biro ni Zayn.

Ayokong sabihin ang dahilan kasi wala silang kaalam alam sa mga pinag gagawa ko noong nakaraan. Akala nila tumigil na ako. Tumigil?  Ulol tumigil. Asa. Lalo pa ngayon na napatawag ako ng principal.

"Tara na mag bihis na tayo." Aya ni Zayn. Bago kami makarating sa cr nag paalam muna akong kukunin ko lang yung PE uniform ko sa locker.

Malayo palang tanaw ko na yung weirdo. Mag isa lang. Nilalagay school shoes niya sa locker. Hindi niya ako napansin dahil nasa likod niya ako. Mas lalong hindi niya ako napansin ng may tumawag sa kanya.

"Oh?"

Oh?  a e i o u? Sabi niya bago siya umalis.
Pagkakuha ko ng ng PE uniform paalis na sana ako ng mahagip ng mata ko ang uniform sa taas ng locker ng mga babae.

Sino naman kayang naka iwan niyan. Aalis na sana ako kaya lang nakita ko pangalan ng kung kaninong locker.

Seth? Pag seneswerte nga naman ako oh. Nakaisip agad ako ng kalokohan. Walang alinlangang kinuha ko yun. Ganti ko to sa hindi ko pag pasok ng hapon noong Friday at pag papatawag saken ng Principal.

Dahil malapit lang sa locker ang pinaka main na basurahan. Doon ako dumiritso. Pina shoot ko yung uniform niya doon at hindi pa ako nakontento tinakpan ko pa ng basura para hindi makita. Hindi ko maiwasang matawa sa ginawa ko.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now