Chapter 32

112 11 1
                                    

Khen's POV

Andito kami ngayon sa bench nag papalipas ng oras. Kakatapos lang namin kumain. Si Seth lang ang wala dito. Mag c'cr lang daw siya. Ayaw naman mag pasama. Pag may nangyari na naman sa kaniya bahala siya sa buhay niya. tch.

"Pano pala kayo nag kakilala ni Seth, Ley?" tanong ni Zayn. Napabaling naman sa kanila atensyon ko.

"Bagong lipat ako noon doon sa dati naming lugar, tapos bagong lipat lang din pala si Seth. tapos nag lakad lakad ako tas narinig ko kasing umiiyak si Seth noon, doon sa swing haha. Kaya nilapitan ko." pag kwekwento ni Ley.

"Hindi ko makakalimutan ang araw na yun." wala sa sariling sabi ni Ley sabay tumanaw ng malayo. "Bakit?" sabay sabay na sabi namin.

"Yung araw na yun, yun yung nakita kong araw na pinakamasakit sa kanya. Masasabi kong sa tagal naming mag kakilala simula ng araw na yun, yun yung araw na sobrang hina niya at sobrang nasaktan talaga siya." sabi ni Ley. Nag antay pa kami sa sasabihin ni Ley.

"Hindi niya sinabi saken kung ano meron non. Basta ang lumabas lang sa bibig niya. "Ang sakit, hindi ko kaya." alalang alala ko pa yung hagulhol niya. Ang bata niya pa para sa ganung sakit eh." dagdag niya pa. Kita sa mata ni Ley na nasasaktan siyang isipin ang araw na yun.

Sobrang sakit ba talaga ng pinag daanan niya.

"May binabanggit pa siya noon na pangalan eh. Hindi ko lang masyadong narinig." sabi pa ni Ley. "Pano kayo naging close?" tanong naman ni Dara.

"Hinabol habol ko siya haha." natatawang sabi niya.
Nong napansin niyang nag aantay kami ng susunod niyang sasabihin tinuloy niya pag kwekwento niya.

"Hindi ko alam basta nong sumunod na araw bumalik ako ulit doon sa may park tas nakita ko ulit siya. Nakaupo lang siya sa swing. Kinulit kulit ko siya pero hindi siya nag sasalita. Parang hindi niya ako nakikita haha. Hanggang sa nalaman ko bahay nila, tapos, inaantay ko siya doon sa labas ng bahay nila araw araw para samahan siya papuntang park, kaso hindi na siya lumabas ng bahay nila haha. more than 2 months din bago ko nalaman pangalan niya. Nalaman ko pa yun nong marinig ko lola niyang tinawag siya." tuloy tuloy na sabi niya. Hindi lumabas ng bahay?

"Panong hindi?? Hindi ba siya nag aral noon?" nag tatakang tanong ni Zayn.

"Ano sa tingin mo ginagawa mo Ley?" sabay sabay naman kaming napatingin sa kadadating lang na si Seth. "Halaaa, Seth." sabay napatayo si Ley. "Tara na umakyat na tayo." sabi ni Seth sabay lumakad na siya papasok sa building.

"Bakit ba ang daldal ng bibig ko. huhu. Pano na yan, narinig niya ata na siya pinag uusapan eh." sabi ni Ley habang paakyat kami. "Kasalanan mo to Zayn." sabay baling niya kay Zayn. "Sorry na hindi ko sinasadya haha." natatawang sabi ni Zayn.

Napatigil kami sa pag lakad ng matanaw namin na hinarangan ng Principal si Seth. Hindi namin narinig pinag uusapan nila.

Binuksan ng Principal bag ni Seth at may pinasok na libro. Ano sa tingin niya ginagawa niya. May Zayn na siya tapos may Principal pa?

"Sege na. Umakyat kana." yun lang narinig namin ng makalapit na kami konte sa kanila. Humakbang naman si Seth paakyat sa hagdan.

Hindi pa din umalis yung Principal, pinanood niyang umakyat si Seth hangang napansin naman ng Principal na parating na kami. Umalis naman agad siya.

"Ano yung nakita natin?" tanong ni Charm. "Oo nga ano yun?" Tanong naman ni Ley. "Wag nga kayong tamang hinala." sabi ni Zayn sabay nauna ng umakyat. "Selos." bulong ni Ley.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now