Chapter 29

123 11 0
                                    

Khen's POV

"Ano bang pinag sasabi mo?" natatawang sabi ni Zayn. Ano nga bang pinag sasabi ko? bat ko ba nasabi yun. tch. "Tara na Princess, hatid na kita doon sa guidance office." aya ni Zayn kay Seth. "Hindi na." sabi ni Seth.

"Anong hindi, Ikaw Khen wala ka bang balak pumunta doon? malapit na mag simula. Pano una na kami." Sabi ni Zayn. "Una na kayo." sabi ko.

"Maniwala ka saken magiging ok din ang lahat." rinig ko pang sabi ni Zayn bago tuluyan silang umalis. "Sama kami." sabi nila sabay nag silakaran na din. Oo nga pala, kasama yung teacher doon sa guidance office.

Pero pag kadating namin doon. Sa gym nalang daw pag uusapan. Dumiritso naman kami doon. Bawal naman pumasok sila kaya sa labas nalang sila.

Sa may side sila ng pinto ng gym. Nag babakasakali na mapakinggan nila ang desisyon ng lahat sa amin ni Seth at sa mga sinaktan kuno namin.

Bakit wala yung limang sinaktan namin kuno? pati na din yung mga magulang nila? Wala ding yung parents namin ni Seth.

"Hindi namin alam kung anong nangyari pero hindi dumating yung magulang ng limang estudyante pati nadin yung mga anak nila." sabi ni Coach.

"Nakatanggap kami ng tawag na pinapalampas nila ang nangyari." sabi naman ng Vice principal. Bakit naman gagawin nila yun.

"Hindi ibig sabihin na pinalampas nila yun ay papalampasin na din namin. Naniniwala man kami na hindi niyo ginawa yun, pero rules is rules." sabi ni Coach. "1 month community service." sabi ng Principal. "both of you, this is your last chance." dagdag niya pa.

~

"Ano kayang nangyari bakit pinalampas nila?" nag tatakang tanong ni Dale. "Buti nalang talaga hindi na lumala." sabi naman Dylan.

"So, pano balik na naman kayo sa pag lilinis haha. Paniguradong hindi gym lang yan. I ready niyo na sarili niyo sa pag walis sa labas, pag linis sa Cr at pag kuha ng basura at iba pa." singit naman ni Jiro.

"Ok na yun kesa naman yung mapaalis sa school na to." sabi naman ni Ley.

Tatlong araw na ang lumipas ng mangyari yung gulong nasangkutan namin ni Seth. Pababa na kami para mag lunch.

Pag kababa na pag kababa namin, may limang lalake naman ang tumambad samin. Limang Junior high School.

"Hello po." sabi ng isa, kay Seth? "Hello din po sainyong lahat." sabi niya pa. "Ikaw po ba si Princess?" sabi naman ng isa.

Bakit ba Princess sila ng Princess.

"Wag niyong sabihin, mag sasabi din kayong sinaktan ni Seth ah. Katatapos niya lang doon." biglang sabi ni Ley. "Hindi naman po negative ang sasabihin namin." sabi naman ng isa.

"Anong kailangan niyo?" sabi naman ni Seth. "Bilisan niyo nagugutom na ako." sabi pa ni Seth. "Totoo nga pong napaka cool niyo." sabi naman ng isa. Cool my foot. Anong ang cool doon sa sinabi niya. Tch.

"Mabubusog ba ako niyan?" sabi ni Seth. Imbis na mainis sila. Manghang mangha pa sila sa sinabi ni Seth. Tapos nilampasan ni Seth yung Lima.

"Sandali lang po." bigla siyang may kinuha sa bag niya. "Ikaw po to diba?" sabay pakita ng picture kay Seth. Tiningnan naman namin.

Napatingin ako kay Zayn ng mahagip kung ngumiti siya. Anong naman nakaka ngiti doon.

"Bakit may ganto kayo? Ni hindi ko nga alam na may ganyan." sabi ni Seth.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now