Chapter 18

120 16 0
                                    

Seth's POV

"Malapit ng mag dilim tapos papauwiin mo sila ng walang kasama? Aanak anak ka tapos di mo naman magagampanan." singit ko.

"Ate Seth ikaw po pala yan. Hindi po namin siya Papa." sabi ni Jared. "Hello po Ate Seth. Oo nga po. Kuya po namin siya." Sabi naman ni Jade.

Kala ko? Malay ko bang mag kakapated sila.

"Ayan oh.." Turo ni Khen sa babaeng nasa pinto. "Siya yung kasama nilang umuwi." paliwanag niya. Tinanguan ko nalang si Jade at Jared bumalik na ako sa ginagawa ko.

"Kuya?" pag mamakaawa parin ng dalawa. "Sege na. Sama sama na tayong umuwi. Maupo muna kayo don." Ano yan? Napilitan? "Kuya pwede po kami mag laro?" Tanong ni Jade. Sabay pakita sa tablet nila. Tinanguan naman sila ng Kuya nila.

"Pwede, pero bawal na kayo gumamit niyan mamaya." Sabi niya. Napaka istrikto naman.

Pinag patuloy ko nalang ginagawa ko ng mahagip ng mata ko si Khen na parang tangang may kinukuha sa bag niya. Pag kain at inumin pala, binigyan niya si Jade at Jared. Hinayaan ko nalang sila at bumalik na sa ginagawa ko.

"Oh." inangat ko mukha ko. Binigyan niya ako ng inumin. Tinanggap ko nalang uhaw na uhaw na ako. Bakit ba. Bawal tanggapin? Psh.

"Psh." bulong ko. "Wala bang thank you?" Sabi niya. "Ano naman mapapala mo sa thank you ko? Makakawala ba yan ng uhaw mo?" sabi ko sa kanya. Natahimik nalang siya.

Hindi nalang ako kumibo pa. Namalayaan ko nalang na tapos na pala.

Nag pahinga muna ako sa gilid. Kita ko kung pano mag alala si Khen sa kapated niya matapos niyang makitang nakatulog si Jade sa upuan.

Bakit ba ibang ugali ang nakikita ko sa kanya ngayon. Asan na yung Khen na bully at utak Kinder? Ni hindi man lang siya umupo.

Pag katapos na pakatapos niya sa pag lilinis nag punas siya habang papalapit sa kapated niya. At binuhat si Jade. Ibang Khen ata tong nakikita ko.

"Wala ka bang sundo?" Tanong niya saken. Nandito na kami ngayon palabas na ng school napakadilim na ng paligid. "Hindi na ako bata para sunduin." Sagot ko.

"Hindi lang naman bata yung sinusundo. Andami mong alam eh noh?" bakit ba. Lahat nalang ba napapansin niya. "Nag aaral eh." Na sabi ko nalang.

"Bye po Ate Seth." Paalam ni Jared bago siya sumakay sa Kotse. Tinanungan ko lang siya. "Pakibuhat nalang po si Jade." Sabi ni Khen sa kasama nilang babae.

"Pano ka?" sabay baling ni Khen saken. "Anong pano? Kaya ko sarili ko." Sabi ko. "Sumabay kana samin. Madilim na oh." Anyaya niya. Waw parang walang nangyari na away samin ah.

"Hindi na." Tugon ko.

Pag ka alis nila sabay naman umandar yung sasakyan sa may gilid ko. "Psh." na sabi ko nalang. "Tara na. Sakay na." Sabi niya. "Sumakay kana. Inintay kita kanina pa." Sabi niya pa.

"Sino ba nag sabing antayin mo ako." sabi ko. "Sarili ko. Haha" tugon niya. Pagod ako kaya hindi nalang ako nakipag talo. Sumakay nalang ako.

Dylan's POV

Malayo palang nakita ko na si Tiff. Naalala ko ng nag kabungguan kami. Tinanggi ng tinanggi ko na hindi ako yun panay pilit niya naman.

"Bakit ngayon ka palang uuwi. Kanina pa tapos ang klase ah." Salubong ko sa kanya. Nag dadalawang isip pa siya kung mag sasalita ba siya o hindi.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now