Chapter 68 : Last Chapter

267 11 7
                                    

Khen POV

Hindi ako naka tulog kakaisip sa nangyari kanina, hindi ko namalayang sumapit na pala yung birthday ko.

Matutulog na sana ako ng makatanggap ako ng Voice message galing kay Seth. Dali dali kong ni open yun.

"Happy Birthday, Mahal. Pasensya na kanina, hindi ako nakapag paalam ng maayos. Napagod lang ako. Happy birthday, enjoy your day." message niya. Antok na antok na siguro siya kasi sobrang hina ng boses niya.

Paulit ulit kong plinay yung ni send niyang message. Hindi ko inaasahang magagawa niya to HAHAHAHAHA.

Dali dali kong tinawagan si Seth kaso hindi ko siya ma contact. Napagod siya kanina kaya minabuti kong matulog nalang.

Kinabukasan, masaya kong sinalubong ang araw.
Birthday ko na ngayon at the same time Graduation namin. Kinakabahan at na eexcite ako sa mangyayari. Madami akong natanggap na bumati pero hindi talaga mawala sa isip ko yung bati ni Seth.

Kinahapunan, maaga ako pumuntang school. Pag dating ko don andon na din pala sila. Si Seth at Zayn nalang yung wala.

"Buti naman hindi ka late sa graduation natin." biro ni Dylan. Nag tawanan naman sila. "Tch." nasabi ko nalang.

Malapit na mag simula ang graduation pero wala pa din sila Seth. Ayoko tong naiisip ko. Hindi na ako mapakali. Na trauma na talaga ako sa pag alis nila kaya hindi ko lang sila makita feeling ko umalis na naman sila.

"Natatae ka ba Khen?" tanong Ley. "Wala pa kasi sila Seth at Zayn eh." sabi ko. "Ano ka ba, baka na traffic lang." sabi naman ni Tiff.

Hindi naman nag tagal na nag simula. Nabalik lang ako sa reyalidad ng tawagin ang pangalan ko para sa Words of gratitude. Hanggang bigayan na ng diploma, walang Seth at Zayn na dumating.

"Malayo pa naman tayo, wag kayong mag alala dadating sila." sabi ni Dara. Habang tumatagal papalapit na yung section namin sa susunod na kukuha ng dimploma.

"Asan na ba sila?" alalang tanong ni Ley ng mag simula na sa section namin. Nasa gilid na namin yung parents namin.

"Wala paba sila Seth?" tanong ni Mom. Tumango ako.

"Castro Tiffany A."

"Destin Charmagne L."

"Lim Sandara C."

Tinawag na yung tatlo naming kaibigan. Nawalan na ako ng pag aasang dadating pa sila.

"Sarmiento Princess Seth E." tawag sa pangalan niya. Napayoko nalang ako. Nang iwan na naman ba sila? Siniko ako ni Jiro. Napatingin naman ako sa kanya.

Sinundan ko yung pag tingin niya sa parteng entrance. Akala ko namamalikmata lang ako pero si Seth nga. Nag lalakad na sila kasama yung Mama at Papa niya at sa likod naman non si Zayn.

Tuloy tuloy naman silang umakyat sa stage. Habang si Zayn pumila na sa pinaka likuran.

"Sandale lang Mom, Dad." paalam ko at pinuntahan si Zayn sa likuran. Sumunod naman yung iba pa naming kaibigan na hindi pa natatawag at tapos ng matawag.

"Bakit ang tagal niyo?" tanong ko kay Zayn. "Natraffic kami, may nag bungguan sa dinaanan namin." sabi ni Zayn. "Balik na kayo, Ley ikaw na sunod." sabi ni Zayn.

Wala kaming nagawa kundi mag sibalikan. Hinanap ng mata ko si Seth. Naka upo na siya. Nahagip niya mata kong nakatingin sa kanya. Nginitian niya ako saka nakipag usap na uli siya sa kaibigan namin.

"Tuan Hailey D." tawag naman kay Ley. Last siyang aakyat ng stage sa mga babae. Hindi nag tagal sunod sunod naman kaming tinawag.

"Arriba Dylan G."

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now