Chapter 1

1.5K 28 4
                                    

Zayn's POV

Nandito kami ngayon sa canteen, nag papalipas ng oras bago mag simula ang klase. First day kasi ngayon.

"Nasan si Khen?" tanong ni Jiro. "Sabi nya kanina papunta na siya dito. Asan na kaya yun?" tugon ko. "Wala pa eh." singit naman ni Dylan.

"Dapat andito na siya eh. Tawagan ko." Sabi ko sa kanila. Asan na ba yung lalaking yun.

Ano na naman kaya ang dahilan niya ngayon?

Ni' dial ko naman agad ang number ni Khen habang yung tatlo naman nag aabang. Mabuti naman at sinagot naman niya kaagad.

"Asan ka? .... Andito kami canteen. Ok.. sege.." Ganon lang kabilis. Pinatay niya kaagad.

"Ano sabi ni Khen, Zayn?" tanong ni Dale. "Papunta na daw siya dito." tugon ko.

"Sabi niya kanina, papunta na siya. Nasa bahay pa ako ng sinabi niya yun tapos hanggang ngayon papunta pa rin sya. Nasa ibang lugar ba sya?" sunod sunod na sabi ni Dylan.

"Baka biglang natae...mahirap pigilan yung tae lalo na kung gusto na talagang lumabas." natatawang sabi ni Dale.

Siraulo utong si Dale.

Nasa canteen kami tapos yun yung sasabihin. Nag tinginan tuloy yung mga kapwa naming estudyante.

"Mahiya ka naman Dale nasa canteen tayo." biglang sabi ni Jiro. "Sino nag sabing may hiya yan.?" Nakangising sabi ni Dylan.

"Wow Dylan ah, kala mo ikaw hindi?" pang babalik ni Dale. "Nag talo talo pa kayo e' pare parehas lang naman kayo." sabi ko.

"Nag sabi yung hin--"

*blaaaaagggggggggggggg

Tunog ng natapon na inumin.

Hindi natuloy ang sasabihin ni Jiro ng biglang nag kagulo sa may parteng entrance ng Canteen.

"hala. Anyari"
"Lagot"
"Anong ginawa nya?"
"Sino ba yan?"
"Ngayon ko lang nakita yan"
"Bago yan"
"Bago lang ata yan"
"Kabago bago. Nag papa pansin kaagad"

Bulungan ng mga tao sa canteen.

"Hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo."

Boses ni Khen...

Dali dali kaming lumapit at nakipag siksikan para maka daan.

"Ano sa tingin mo?"

Princess? Boses ni Princess.

"Woooooh"
"Tapang"
"Ang kapal naman ng babaeng yan."
"Ang kapal ng mukha niyang ganyanin si Khen."

Bulungan pa din ng mga tao.

Nang makalapit kami, hindi ako nag kamali..si Princess nga. Oo nga pala dito na siya mag aaral.

Wala man lang reaction si Princess.

"Hindi mo ba ako kilala?" tanong ni Khen.

Malamang hindi. Naku naman Khen. Sabagay hindi naman niya alam na bago lang si Princess dito.

"Sino ka ba?" tugon ni Princess.

"Sinisira mo araw ko--"

"Khen, tama na yan." Hindi ko na pinatagal, sumingit na ako sa kanila.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now