Chapter 23

111 10 0
                                    

Khen's POV

Papasok na ako sa campus ng makita ko si Seth. Kadadating lang din niya. Nauna siya saken kaya nasa likuran niya ako.

Diridiritso lang siya nag lakad at tumigil sa bench na laging tinatambayan nilang mag kakaibigan. Andon din pati mga kaibigan ko. Kami nalang ata ni Seth ang kulang.

Hindi muna ako dumirtso don sa kanila. Pumunta muna akong canteen. Pag kalabas ko ng canteen.  Nag lakad na din ako papunta sa kanila. Malayo palang tanaw na tanaw ko na silang nag tatawanan.

Biglang nabaling yung mga mata ko kay Seth, tumatawa siya. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa. Umaaliwalas yung mukha niya pag tumatawa siya.

Pasimple lang siya kung tumawa. Kaya di siya mahuli huli ng iba. Nang makita niya akong malapit na sa kanila biglang nawala ngiti niya.

Siraulong babae. Nakakasimangot ba tong gwapong mukha ko. Badtrip. tsk. "Tagal mo Khen." sabi agad ni Zayn pag kadating na pag kadating ko.

"Anong pinag uusapan niyo?" pag tataka ko. Kasi natawa si Seth eh. "Secret, samin nalang yun. haha." sabi naman ni Jiro. Badtrip tong mga to. Pake alam ko naman ba kung tumawa siya.

"Tara na akyat na tayo." aya ni Dale. "Ayaw niyo talagang sabihin?" pag tatanong ko baka kasi sabihin eh. Curious ako bakit ba?.

"Ikaw pinag uusapan namin." biglang sabi ni Seth. Sabay nag lakad na papasok sa building. Gulat naman silang napatingin kay Seth.

"Anong nangyare don?" nag tatakang sabi ni Ley. "May pake ba siya sa pinag uusapan natin? haha" sabi pa ulit ni Ley.  "Sinapian ata si Seth eh." sabi naman tiff.

"ikaw pinag uusapan namin."

"ikaw pinag uusapan namin."

"ikaw pinag uusapan namin."

Nag paulit ulit sakin yung sinabi ni Seth. bakit?  ako ba talaga pinag uusapan nila.

"Ako ba talaga pinag uusapan niyo?" tanong ko ulit. "Kung gusto mo malaman tanungin mo si Seth." biro ni Dara. Badtrip naman.

Umakyat nadin kami. Pag kapasok namin sa room naka yoko na siya sa upuan. Sinipa ko upuan niya. Kaso wala siyang pake kaya sinipa ko ulit.

"Anong trip mo. Gusto mo bang masaktan?" Napatulala ako sa kanya.

Bigla kasing humarap siya sa likod. Ako kaya yung sa likod niya. Sobrang lapit ng mukha namin. Tapos wala lang sa kanya yun. Nakapag salita pa nga siya ng maayos e.

"I--ikaw d-daw tanungin k-ko." nasabi ko nalang. Sabay layo sa kanya. "Ano na naman ba yun?" sabi niya pa. "Pero bat nauutal ka Khen?" biro nila saken. badtrip.

Nakatingin pala sila samin. "Sumama ka saken." sumama? ano bang sinasabi ko? hindi ko din alam nang yayari saken.

Sabay tumayo na ako. Nag tinginan na ang lahat samin.

"Tumayo kana diyan." sabi ko pa. "Anong nangyayari sayo Khen?" sabi naman ni Zayn. "Tumayo kana sabi diyan." sabi ko pa kay Seth. "Ano na naman ba ngayon?" sabi ni Seth na walang pake.

"Pag hindi ka diyan tumayo bubuhatin kita." sabi ko. bigla siyang napalingon saken. "Subukan mo lang, masasaktan ka talaga." sabi niya. "Sege." sabi ko. Akmang bubuhatin ko na sana siya ng tumayo siya.

"Ano ba kasi? Inaano ba kita?" sabi niya. "Gusto mo bang masaktan?" sabi niya pa. Ako pa tinakot niya. "Sa labas kasi." sabi ko.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now