Chapter 17

123 13 0
                                    

Khen's POV

Mabilis lumipas ang oras. Papunta na ako ngayon sa Office ng Principal. Bubuksan ko na sana yung Pinto ng may humawak din non. Kaya sa kamay ko siya naka hawak.

Biglang inalis niya yun. Bakit siya andito? "Pasok kayo." Biglang sabi ng nasa likod namin. Yung Principal pala.

"Aware naman kayo kung bakit kayo andito diba? Ikaw.." Turo niya saken. "You pressed the fire alarm?, While you.." sabay turo kay Seth. "break the door of girls comfort room. right?" sabi niya.

"Psh" sabi ni Seth. Pinabayaan nalang siya ng Principal. Ako nga hindi naman ako yung pumindot, gusto kong sabihin yun. Hys.

"And hindi lang yun. Someone report to me that you.." Sabay tingin niya uli kay Seth. "you checked the CCTV footage four times. Hindi basta basta nakakapasok don. And I found out that you threaten them.. Are you out of your mind?" Hindi maka paniwalang sabi ng Principal.

"I already watched the CCTV footage 1 week ago...." Dugtong niya pa. "and I found out about doon sa alitan niyo." Kaya pala alam niyang nawala sapatos ko. Akala ko pa naman siya yung kumuha. Joke yun tawanan niyo.

"Both of you not that young, but still acting like a child." sabi niya pa. Hindi kami kumibo ni Seth. Dahil tama naman siya. Mas pinili nalang namin manahimik.

"Pinalampas ko yun, because I know titigil din kayo at mag sasawa but look at what you two did today. In your case, students and faculty members saw that you are the only person exit that building that's why ikaw agad ang pinag hinalaan about pressing the fire alarm pero tinanggi mong ikaw." sabi saken ng Principal.

"Kilala mo po ako hindi ko po magagawa ang bagay na yun." sabi ko. "Alam ko. Pero wala tayong magagawa. Alam niyo namang yung CCTV ay nasa baba ng kada building ang pinangyarihan ay nasa third floor." Sabi ng Principal.

"While, you confessed that you're the one who break that door of girls comfort room. Why?" sabi ng Principal kay Seth. "Pag mag paliwanag ba ako mababalik sa dati?" Sabi niya sa Principal. Shit.

"Ako yung Principal, irespeto mo ako." Hindi naman na sumagot si Seth. Nag hahanap talaga ng gulo tch.

It's been two days ng kausapin kami ng Principal. It's Monday today. Ngayon yung first day ng parusa na binigay ng Principal sa amin ni Seth. After class, mag lilinis kami ng gym. Mag tatagal kaya kami na mag kasama sa iisang lugar? Ayoko ng isipin.

Pag kapasok ko sa room namin sinalubong agad ako ng mga kaibigan ko. "Anong nangyari nong Friday?" salubong saken ni Jiro. "Anong pinag usapan niyo ng Principal?" Singit naman ni Dale.

"Si Seth din pinatawag diba. Mag kasabay ba kayong kinausap ng Principal?" Singit ni tiff. "Tanungin niyo yung kaibigan niyo. Kasalanan niya to eh." inis na sabi ko.

"Bakit naman niya kasalan, aber?" biglang sabi ni Ley. "Tsaka sa tingin mo sasagutin ako, kami or kayo non? Kaya nga ikaw tinatanong eh." ngingisi ngising sabi ni Ley.

"Bro, bakit naging kasalanan ni Seth?" Seryosong sabi ni Zayn. "Siya pumindot ng fire alarm." tugon ko. "Panong siya? Eh ikaw lang naman ang tao sa building na yun." Inis na sabi ni Ley.

"Bakit naman niya gagawin yun?" Nag tatakang tanong ni Charm. "Hindi niya magagawa yun." Pagtatanggol ni Ley. "Nagawa na nga niya eh." sabi ko.

"Sa lahat ng kalokohan sa School na pwedeng gawin yung pag pindot ng fire alarm ang hindi niya pa nagagawa at ayaw niyang gawin. Kaya imposibleng siya yun." Paliwanag ni Ley. "Oo, alam naman natin may sapak ulo niyang si Seth, pero di niya magagawa yung ganon." dagdag pa niya pa.

INTO YOU (COMPLETED) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant