Chapter 12

134 15 0
                                    

Khen's POV



"Saan mo nilagay uniform ko?" Tanong niya agad pag kalabas namin ng room. "Anong bang pinag sasabi mo?" Inosinteng sabi ko.



"Wag kana mag sinungaling. Alam kung ikaw may gawa kung bakit nawala ang Uniform ko." Pamimilit niya pa. "Bakit may proweba kaba?" Sabi ko "Ikaw lang nakita kong tao sa locker kanina." Sabi niya.



Pano niya ako nakita eh nakatalikod siya. "Nasan yung uniform ko?" Pag uulit niya. Wala na akong kawala. Napakatanga ko naman. Hindi ako nag iingat.



"Asan muna yung uniform ko? Wag ka na mag sinungaling alam kung ikaw kumuha." Sabi ko. "Inamin mo rin, ikaw talaga yung kumuha sa uniform ko." sabi niya pa.



"Tinago mo din naman uniform ko. Patas na tayo." Nasabi ko nalang. "Ako ba nag simula? Huh?" Sabi niya.




"Kasalanan mo din naman. Hindi ako nakapasok nong Friday at pinatawag ako kanina ng Principal." Pag papaliwanag ko. "Sino ba nag simula? Ako ba? Pwede ba ituro mo nalang kung saan mo nilagay yung uniform ko." sabi niya.



Dinala ko siya sa basurahan. "Diyan mo nilagay?" Tanong niya. Hinawi ko yung mga basura na naka harang sa uniform niya gamit yung walis tingting na nakalagay don. "Utak mo pang Kinder." bulong niya.



Hindi ko nalang pinatulan kasi aware naman akong kasalanan ko pero mas kasalanan niya.



Tumalikod na siya. "Hindi mo kukunin yung uniform mo?" Tanong ko. "Kung gusto mong kunin, sayo na." sagot niya. Hanep na babaeng to.



"Asan yung uniform ko?" Pag iiba ko. Hindi siya sumagot. Nag lakad na siya. Sinundan ko siya hanggang natagpuan ko nalang na nasa likod kami ng building namin.



"Tinapon mo ba dito?" Tanong ko. Hindi siya sumagot. Pumunta siya sa mga puno at tinuro niya yung hukay at dahil umulan kahapon maputik at may tubig yung hukay. Nakita ko yung uniform ko na palutang lutang.



"Mas malala to. Ang daming pwedeng pag lagyan diyan pa talaga." Sabi ko. "Kung gaganti ka lang din naman, siguruhin mong mas malala sa ginawa niya." Sabi niya.



"Hindi mo ba kukunin?" Dagdag niya pa. "Kung gusto mong kunin, sayo na." pag gagaya ko sa sinabi niya kanina.



"Hoy kayong dalawa. Anong ginagawa niyo diyan?" kung minamalas nga naman.



"Ano sa tingin mo?" Bulong niya. Ang takaw talaga nito sa gulo. Buti nalang hindi siya narinig. "Sumama kayo saken." Sabi ni Miss. Alam ko na mangyayari samin. Hanep. Napakamalas talaga ng babaeng to.



"Sa dami daming pwedeng mahuli ko ikaw pa talaga Mr Dimson, alam kung aware ka sa rules dito. Mula elementary andito kana tapos sobrang labo na sumuway ka sa rules ngayon, at ikaw naman.." Sabay tingin niya kay Seth.



"Diba ikaw yung transferee? Diba binigyan ka ng Copy ng rules ng school na to? Kaya hindi din kita mapapalagpas.." Dagdag na sabi ni miss



"Pakialam ko sa bulok niyong rules." bulong ni Seth. Buti nalang hindi siya narinig. "Ah miss anong oras po ba kami makaka labas dito?" Pag iiba ko ng usapan.



"Bago mag lunch pwede na kayo lumabas. Tsaka mag palit na kayo ng uniform niyo." Sabi niya bago niya isara ang pinto.



"Kasalanan mo to." Paninimula ko. "Huh? Kasalan ko pa talaga." Namamanghang sabi niya. Napatulala ako sa reaksyon niya.



INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now