Chapter 66

110 8 0
                                    

Khen POV

"Ingat pauwi." sabi niya.

Akala ko aalis na siya kaso lumapit siya sakin. Niyakap niya ako. Pag kaalis niya sa pag kakayakap sakin. Bigla niya akong mabilis na hinalikan sa labi.

Hindi agad ako nakagalaw.

"Text moko pag naka uwi kana." sabi niya at pinapasok na ako sa kotse. Hindi ko alam i rereact ko sa ginawa niya.

Lutang akong nag drive pauwi. Nakita ko pa siya sa side mirror na andon pa din nakatanaw sakin.

Hindi pa man ako nakaka text kay Seth, naka tanggap ako ng text galing sa kanya.

"Nakauwi kana?"  text niya.

"Nakauwi na ako."  reply ko sa kanya.

Nag antay pa ako ng e rereply kaso wala na akong natanggap. Biglang sumagi sa isip ko yung nangyari kanina. Nakatulog ako sa kakaisip non.

Kinabukasan, pinuntahan ko si Seth sa bahay nila. 7am palang andon na ako.

"Tulog pa si Seth, Khen." sabi ni Tito. "Napaaga ata yung punta mo." sabi naman ni Tita.

"Ginising na namin siya kanina kaya lang ang hirap niyang gisingin." sabi ni Tita.

"Gisingin mo nalang, umakyat ka doon sa taas baka sakaling magising pag nakita ka." sabi naman ni Tito. "Hindi na kami mag tatagal, mauuna na kami." sabi naman ni Tita.

"Goodluck and enjoy sa date niyo." sabi ni Tito. "Po??" Sinabi ba ni Seth. Ipag papaalam ko palang sana sa kanilang lalabas kami ni Seth.

"Ingatan mo anak ko ah." sabi ni Tito. "O-opo. A-ako na po bahala kay Seth." sabi ko kay Tito at Tita.

Pag kaalis nila Tito at Tita, tinungo ko ang kwarto ni Seth. Sobrang himbing nga ng tulog niya. Napaka cute niya talaga matulog. Sarap niyang pisilin e.

Bigla akong napatingin sa labi niya, bigla na naman nag flashback yung nangyari kagabi. Naku naman.

20 mins akong nakatitig sa kanya.

Napamulat si Seth, naramdaman niya atang may nakatingin sa kanya.

"A-anong ginagawa mo dito??" tanong niya agad. "Kanina ka pa ba??" tanong niya pa.

Pabangon na siya ng lumapit ako sa kanya. Napahiga uli siya.

"A-anong gi-ginagawa m-mo?" utal niyang sabi. Hindi lang ako nag salita.

"Goodmorning." sabi ko at mabilis kong dinampi yung labi ko sa labi niya. Sa gulat niya sa ginawa ko natulak niya ako, nahulog ako sa kama niya.

"Arayyy." ang sakit sa pwet. Mabilis naman bumangon si Seth at pinatayo ako. Saan ko ba nakuha ang lakas ng loob para gawin yun.

"Kitang hindi pa ako nakakamumog." bulong niya. Narinig ko naman yun. Ang cute niya haha. "Ok lang naman." ngingisi ngising sabi ko.

"Bahala ka nga dyan." sabi niya at iniwan ako doon sa sahig. Pumasok na siya sa Cr niya. Biglang bumukas yung Cr.

"Antayin moko sa baba." sabi niya. "Masusunod kamahalan." sabi ko bago niya isara uli.

Pag baba ko andon na si Zayn sa baba.

"Anong ginagawa mo sa taas?" tanong niya. "Ah, may lakad kasi kami ni Seth, andito pa sila Tito at Tita ng dumating ako. Sabi nila gisingin ko nalang daw si Seth." paliwanag ko. Bat ba ako kinakabahan.

INTO YOU (COMPLETED) Место, где живут истории. Откройте их для себя