Chapter 40

99 9 0
                                    

Dylan POV

Malayo palang tanaw ko na si Tiff na may kausap. Mukhang seryoso pinag uusapan nila. Lalampasan ko na sana sila ng makita kong umiiyak si Tiff.

"Anong karapatan mong paiyakin siya?" singit ko sa kanila. Gulat naman napatingin sakin si Tiff. "Oh, si Dylan pala." sabi nang lalake. "Kilala mo ako?" tanong ko. Nginitian niya lang ako. Familiar siya. Saan ko ba siya nakita?

"Mauna na ako Tiff, yung pinag usapan natin ah." paalam niya. "Mauna na ako." paalam niya din saakin. "Sandali, Bakit mo siya pinaiiyak?" aalis na sana siya ng mag tanong ulit ako. "Pasensya na bro, hindi ko sinasadya." sabi niya. Sabay umalis na siya.

"Anong karapatan niyang paiyakin ka?" bulong ko. "Para namang hindi mo ako pinaiyak ah." biglang sabi ni Tiff. "Huh?" pag tataka ko. Wala akong matandaang pinaiyak ko siya. "Kailan?" tanong ko. "Biro lang." sabi niya bigla.

"Sino pala yun? at ano yung pinag usapan niyo?" biglang lumabas sa bibig ko yun. Bakit ko ba sinabi yun? hays. "Bakit mo natanong?" sabi niya. "Masama ba mag tanong?" balik ko sa kanya. Nag simula na siyang mag lakad patungo sa building namin. Kinulit ko pa din siya.

"Sino ba kasi yun?" tanong ko pa din habang paakyat na kami ng building. "Bakit ba? nag seselos kaba?" inis na sabi niya. Nabigla din siya sa sinabi niya. "Oo, nag seselos ako Tiff, kahit wala akong karapatan maramdaman to." seryosong sabi ko. Napatahimik naman siya.

"Napakadesperado ko diba? Haha." Natatawang sabi ko. "Kahit ilang beses mo akong pinag tabuyan, ito pa rin ako, nag papakatanga pa din sayo at nag aantay pa din sayo." dagdag ko pa. "Wala akong sinabing mag antay ka Dylan." seryosong sabi niya din.

"Yun na nga wala kang sinabing mag antay ako pero wala eh wala akong magawa kundi mag antay, pero sana naman sabihin mo diba ang dahilan kung ano bang kasalan or nagawa ko sayo kasi wala naman akong nakitang maling nagawa ko sayo. Kaya kung meron man sabihin mo sakin. Hanggang ngayon napapaisip pa din ako?" sabi ko sa kanya.

"Tumigil kana Dylan, Sinabi ko naman sayo, Wala kang kasalanan." sabi niya. "Yun naman pala Tiff, pero bakit ganito tayo ngayon? Para tayong hindi mag kakilala Haha."  napatahimik siya doon. "Ok naman tayo ah." sabi niya.

"SANDAAAALEEE."

Gulat kaming napalingon ni Tiff. Sila Khen, Nasakalagitnaan kami ni Tiff ng hagdan, tapos sila nasa baba ng hagdaan.

"Hindi namin sinasadyang marinig lahat ah." sabi ni Ley. "Anong ibig sabihin nito?" sabay sabay na sabi nila, maliban kay Khen, Seth at Ley. "Ah, issaprannkkk haha." sabi ni Tiff. "Tara na Tiff." sabi ko at tumuloy na kami sa pag hakbang paakyat ni Tiff na parang walang nang yari.

"Sandaleeee, hindi niyo kami maloloko uy." sabi ni Dara. "Ang daya naman." sabi ni Dale. "Ikaw pala yun Tiff." sabi ni Zayn at Jiro. Habang humahabol samin sa pag lakad. "Si Dylan pala yun." sabi naman nila Dara at Charm.

Hindi na sila nakakulit ng sabay sabay lang kami pumasok nila Miss. Lusot kami doon ni Tiff. Pano na mamaya. Buti nalang walang recess mamaya, Bahala na si batman mamayang lunch.

Nag tuloy tuloy lang yung lesson hanggang mag lunch at matapos ang lunch. Ang dami pa ding nilang tanong. Kahit isa wala kaming sinagot ni Tiff. Hanggang sa wala kaming nagawa ni Tiff ng maupo na kami sa bench na tinatambayan namin.

"Nag kakilala kami nong grade 6." kwento ni Tiff. "2 years kaming naging mag kaibigan." dagdag niya pa. "Tapos nong grade 9 nanligaw ako sa kanya haha." singit ko. "tapos sinagot niya ako nang mag grade 10 kami." sabi ko pa.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now