Chapter 5

268 15 0
                                    

Seth's POV

Patapos na yung klase ng may biglang nag text sakin.

'Sabay na tayo umuwi'

Hinayaan ko nalang.

Hindi ko namalayan uwian na pala. Palabas na sana ako ng may tumawag saken.

"Sabay na tayo umuwi." sabi niya. "May dadaanan pa ako." tugon ko."Samahan na kita." pangungulit niya pa.

"Wag na." sabi ko. "Wala na naman akong gagawin. Samahan na kita." Pag pupumilit niya pa din.

"Ano ba. Pag sinabi kong wag na. WAG NA." sabay baba ko ng tawag. Saan niya ba nakuha number ko.

Pag alis ko ng school dumaan ako sa bilihan ng pag kain. Bumili ako ng paborito nyang pagkain. Pati na din yung paborito nyang bulaklak. Pag katapos ko bumili pumunta na ako sa kanya.

Malayo pa lang tanaw ko na sya. Habang papalapit ako. Sobrang bigat ng paa ko para ihakbang pa palapit sa kanya. Hindi ko kayang lumapit. Tiningnan ko lang siya mula dito sa Pinto.

"I'm sorry." Unang lumabas sa bibig ko.

"Andito na ako. Bumalik na ako. Dala ko yung paborito mong pag kain. Pati na din yung bulaklak na gusto mo. Gusto kitang yakapin. Pero ang layo mo. Ang hirap mong abutin, kahit pa malapit ka lang. Sana naririnig mo ako ngayon. Sana kaya kitang harapin sa sunod na pag balik ko. Sana marinig ko uli boses mo. Hindi kita kinalimutan. At hinding hindi kita kalilimutan. Andito ka lagi sa puso ko. Sana mapatawad mo ako."

Nag tagal pa ako ng ilang oras don. Pinakalma ko sarili ko. Tinanaw ko lang sya. Wala akong magagawa eh. Hanggang tanaw lang ako. Hindi ko namalayan ang oras.

Kanina pa tunog ng tunog cellphone ko. Kaya tiningnan ko. 9pm na pala. Sobrang dilim na ng paligid.

"Uuwi na ako. Wag ka mag alala. Babalik ako dito."

Bago ako umalis. Sumulyap uli ako ng isang beses. Kung pwede lang doon nalang tumira. Kahit papaano tanaw ko siya. Paalis na ako ng may tumawag saken.

"Asan ka?  Gabi na,  Kanina ka pa namin tinatawagan" pano ba nila nakuha number ko. "Pauwi na ako." tugon ko.

"Puntahan ka namin. Asan ka?" sabi niya. "Wag na." bakit ba ang kulit niya."Saan ka sasakay?" tanong niya pa. "Sa sasakyan." kailangan pa bang itanong yun.

"Pero sobrang dilim na. 9pm na oh" sabi niya. "Kaya ko sarili ko, diba nga nakaya ko ng bata pa ako pano pa kaya ngayon?" Pag kababa ko ng tawag. Umuwi na ako.
Pag kabukas ko ng Pinto. Rinig na rinig ko boses nila.

"Saan ba nag punta ang batang yun?" Rinig kong sabi ni Nanay. "Sabi nya may dadaanan lang daw po sya." hindi nila napansin pag dating ko. Nakatalikod sila sa Pinto. Paakyat na sana ako..

"Gulo lang dala niya dito. Bakit pa siya bumalik dito."
Halata sa boses niyang inis siya. "Ganon na ba ako kasamang tao para ayawan mo?" sabi ko habang nakatalikod sa kanila. Hindi ko na sila tiningnan pa at tuloy ng umakyat.

"Sana di ka nalang bumalik. Gulo lang naman dala mo dito eh." Inis paring sabi niya. "SEANNN!" pag titigil sa kanya. "Ano kuya? Kakampihan nyo na naman yan?" rinig kong sabi niya pa.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now