Chapter 13

145 15 0
                                    

Zayn's POV

Pag kadating namin sa canteen sobrang dami na ng tao. Wala ng ibang space kung hindi yung table namin.

"Doon na kayo sa table namin. Mag dala lang kayo ng upuan." Pag aaya ko sa kanila.

Naunang naka order si Princess. At umupo don sa table namin. Ang daming nag bubulong bulungan. Sumunod naman umupo yunf mga kaibigan ni Princess. Mas dumami ang nag bubulong bulungan.

"Wala kasi tayong pinapaupo diyang ibang babae. Issue na naman to. At si Khen??" sabi ni Dylan.

"Yaan niyo na. Wala naman siya magagawa." natatawang sabi ko. "Hindi ko naimagine na may makakasalo tayo sa iisang table dito sa school." Manghang sabi ni Jiro.

Oo nga. Pag katapos namin mag order pumunta na kami don sa table namin. At nag dagdag ng dalawang upuan.

"Para kanino yan?" Nag tatakang tanong ni Ley. "Para diyan oh." turo ko sa kapapasok lang sa entrance ng canteen.

"Ah so sila yung sinasabi niyong hindi malimot limutan ng kaibigan niyo?" Patango tangong sabi ni Ley. "Kala ko Girlfriend haha." dagdag niya pa.

Malayo palang iba na yung awra ni Khen. Haha. Sorry bro. Wala kang magagawa. Napailing nalang si Khen. Pag kalapit niya pina upo niya muna si Jade at Jared bago siya umupo.

"At sino naman tong mga cute na to?" Paninimula ni Ley. "Hello po. Ako po si Jade." pag papakilala ni Jade. "Ako naman po si Jared." pag papakilala naman ni Jared.

"Sino po sila Kuya Zayn? Girlfriend niyo po ba diyan yung isa?" Nag tatakang sabi ni Jared. "Mga girlfriend niyo po ba sila?" Tanong naman ni Jade.

"Ahh kaklase namin sila." Sabi ko agad. Pano nalaman nila yun. Lagot kayo sa Kuya niyo haha."Jade, Jared...." mahinahong tawag ni Khen sa pangalan ni Jade.

"Saan niyo narinig yan? At pano niyo nalaman ang salitang yan?" Mahinanong paring tanong ni Ken. "Sa TV po." Mahinang sabi ni Jade. "Nakita po namin sa pinapanood ni Ate." dagdag pa ni Jared.

"Diba sabi ko bawal kayo manood ng TV pag hindi ako kasama." mahinahon pading sabi ni Khen. "Sorry po." sabay na sabi ng dalawa. "Tinatanggap ko yung sorry niyo. Basta wag ng uulitin ah.?" Napakarupok haha. "Opo." sabay ulit na sabi ng Dalawa.

"Nag asawa kasi ng maaga." Bulong ni Princess. Hindi nalang pinatulan ni Khen. Nasa harap niya yung dalawa eh.

"Ano pong pangalan niyo mga ate?" Magalang na tanong ni Jared. "Ako ang Ate Ley niyo." Pag papakilala ni Ley.

"Ate Ley, sabi po ni Kuya bad daw po mag salita pag may laman po bibig." Sabi ni Jade. Yan dinaig kapa ng Bata. Wag naman sanang patulan ni Ley si Jade. Malalagot siya kay Khen. Haha

"Ah. Oo pala. Nakalimutan ko. Ang sarap kasi nitong Pag kain eh." Pag papaliwanag ni Ley. "It's ok po. sabi po ni Kuya.." Putol na sabi ni Jade sabay tingin kay Jared. "In every mistake there's a lesson." Sabay na sabi ni Jade at Jared.

Bilib talaga ako sa magandang pag papalaki kay Jade at Jared. Napakabuting mga bata. Kung mag kaka anak man siguro ako. Gusto ko yung katulad kay Jade at Jared.

"Ang ganda naman ng pag papalaki sainyo." bulong ni Ley. Pero rinig naming lahat. "Salamat po." sabi ng dalawa. "Kayo pong apat ano pong pangalan niyo" sabi ni Jared.

"Ako ang Ate Dara niyo."
"Ako naman ang Ate Tiff niyo."
"Ako naman ang Ate Charm niyo."
Pag papakilala ng tatlo.

"Hello po sainyo." Sabay na sabi ng dalawa "Masaya po kaming makilala kayo." Sabay pa na sabi nila.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now