Chapter 65

105 8 0
                                    

Seth POV

"Totoong andito ka noon??Hindi yun panaginip?" tanong niya. "Akala ko, wala kang paki saken non." sabi niya pa.

"Anyari ng araw na yun?? Anong nangyari ng araw na yun kay Zayn?" tanong niya pa. Napakadaldal niya talaga e.

"Nahimatay siya non, alam mo naman andon yung mga kaibigan natin para sayo ng araw na yun. Kaya may aasikaso non sayo. Sinugod namin si Zayn sa ospital. Binalikan kita non pag kagising ni Zayn. Kaso, hindi mo na ako kinausap ng maayos." kwento ko sa kanya.

"Sorry na." sabi niya. "Hindi ka kasi nag sasabi eh." sabi niya pa. Kasalanan ko pa tuloy.

"Hindi ko alam na pinuntahan mo pala ako dito sa bahay." ngingisi ngisi niya pang sabi. Psh.

Naalala ko bigla ang nangyari ng gabing yun.

Flashback*

"Oh Seth, anong ginagawa mo dito?" salubong sakin ni Jazz. 7pm na mukhang kakatapos lang nila mag dinner. "Si Khen?" tanong ko sa kanya.

"Nasa kwarto niya. Tara, baka pag nakita ka niya, gumaling agad haha." biro niya. Mabilis naman namin tinungo ang kwarto niya.

Pag pasok namin mahimbing ang tulog niya.

"Hindi pa siya kumakain. Inaantay pa namin yung pag gising niya para maka inom na din siya ng gamot." sabi ni Jazz.

"Ilang oras na siyang natutulog?" tanong ko sa kanya. "Mula pag dating niya galing school." sagot naman ni Jazz.

"S-seth?? I-ikaw b-ba y-yan?" napalingon kami ng mag salita si Khen. Nakapikit pa mata niya habang nag sasalita.

"W-wag k-ka a..alis" sabi niya pa. Lumapit ako sa kanya para hawakan kamay niya. Huminahon naman siya.

"Ako na bahala sa kanya, tapusin mo na yung ginagawa mo." sabi ko kay Jazz. May hawak kasi siyang ballpen. Nakalimutan niyang dala dala niya pa yun.

"Ahhhh, sigurado ka??" tanong niya. Tinanguan ko naman siya. Mukhang kita niya naman ayaw ko mag papilit kaya hindi nalang uli siya nag pumilit pa.

"Tawagin mo nalang sila manang pag may kailangan ka. Pasensya na Seth ah." sabi niya bago lumabas.

Lumabas muna ako ng kwarto niya para kumuha ng kakainin niya, pababa na ako ng marinig ko yung pag uusap ni Jazz at ni Manang.

"Manang, pakatok nalang sa kwarto ko kung sakaling umalis na si Seth, wag niyo siyang hahayaan umalis mag isa." sabi ni Jazz.

Mabilis akong bumalik sa kwarto ni Khen. Paakyat na din kasi ng hagdan si Jazz. Ang layo ng Jazz sa dati sa ngayon. Sinakto kong nakapasok na si Jazz sa kwarto niya bago ako lumabas.

"Bakit iha?" salubong sakin ni Manang. "Pano ho lutuin ang lugaw?" nag dadalawang isip ko pang sabi. Kakahiya. Napangisi naman si Manang. Sobrang nakakahiya.

Tinuruan niya naman akong mag luto. Pag kaluto namin ni Manang, Umakyat naman ako papunta sa kwarto ni Khen.

Hindi pa din siya gising.

"Khen, kain ka muna, para makainom ka gamot.. gigising ka o sisipain kita.." sunod sunod na sabi ko, at mahina siyang tinatapik sa balikat.

Nagising naman siya. Mukha siyang wala sa katinuan. Inalalayan ko siya paupo.

"I-kaw ba talaga si Seth?" sabi niya. Hinawakan niya pa mukha ko. "Hindi naman pupunta si Seth dito eh, wala namang pake yun sakin." sabi niya pa. Ayos na siya mag salita, nanghihina lang talaga siya.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now