Chapter 67

135 7 0
                                    

Seth POV

"Alam ko na kung saan tayo pupunta." Sabi ni Khen. Wala na siyang sinayang na oras at tinungo yung lugar na gusto niyang puntahan.

Ayaw niyang sabihin kung saan kami pupunta. Habang palayo kami ng palayo, lahat ng nadadaanan namin puro green.

2pm kami nakarating. Tumigil kami sa harap ng malaking bahay. Pinag buksan kami ng gate.

"Nasaan tayo??" tanong ko uli. "Basta, bumaba kana. May gustong makilala ka." sabi niya sakin. Psh.

Hindi pa man kami nakakapasok sa bahay may sumalubong na samin.

"Lolo, Lola, Namiss ko kayo." salubong ni Khen at niyakap sila ng sabay. Pag kaalis ni Khen sa pag kakayakap sa kanila, napatingin sila sa akin.

"Si Seth po." pakilala ni Khen sakin. "Seth, Lolo at Lola ko pala." pakilala ni Khen. "Ito naba yung kwenekwento mo samin?" sabi ng Lola ni Khen. Tinanguan naman sila ni Khen.

"A-ah, ako nga ho pala si Seth." pakilala ko. "Napakaganda mo namang bata." sabi ng Lola niya.

"Tara." aya ng Lola niya sakin at hinawakan ako sa kamay. Naalala ko bigla si Lolo at Lola.

"Grabe tong pamilya ko, pag nakikilala si Seth, parang di na nila ako kilala. Mas pamilya pa nila si Seth." rinig naming bulong ni Khen. Napatawa naman yung Lolo at Lola niya.

Nahagip ng mata ko si Khen na napatigil sa pag lalakad. Napansin din ata ng Lolo at Lola niya yun.

"Nong mga bata pa sila pumupunta sila tuwing summer dito. Matagal na din ng makabalik siya dito." kwento ng Lolo niya. Andami pa nilang sinabi.

"Lolo at Lola nalang din itawag mo samin, total doon naman patungo yun." ngingisi ngising sabi ng Lolo ni Khen. "Pwede din naman Lolo Gelo at Lola Gela." sabi naman ng Lola ni Khen.

"S-sege ho." nahihiyang sabi ko. Kahit papano may hiya pa naman ako. "Yung name niyo ho..." hindi ko na tinuloy.

"Angelo yung Lolo Gelo mo at Angela naman ako." sabi ni Lolo Gela. Nakakamangha lang parang pang kambal yung name nila.

Maya maya lang humabol samin  si Khen.

"Lola at Lolo, may pasalubong ho kami sa mga bata." singit ni Khen. "Paniguradong matutuwa ang mga yun." sabi ni Lolo

Pag pasok namin ng bahay may sumalubong pitong bata samin

"12 na lahat sila, diba Lo?" tanong ni Khen.

"Malalaki na sila." sabi ng Lola niya. "Matagal kana kasi hindi nakakapunta, at nakikita mo lang sila sa video call." sabi ni Lolo.

May bumaba namang lima.

"Ang laki mo na Jake at Jack ah." manghang sabi ni Khen. "Namiss ka po namin Kuya." sabi nong sampu.

"Buti nalang madami kaming ni order. Mag meryenda na kayo doon." sabi ni Khen sa kanila. Inasikaso naman ng mga yaya doon yung mga bata.

"Hindi mo sinabing pupunta ka Khen, sana sinabi naming bukas na ipag patuloy yung meeting." sabi ni Lolo Gelo. "Ok lang ho Lo." sabi ni Khen.

Pag kapaalam ni Lolo Gelo at Lola Gela, napatingin ako kay Khen. Nakatingin siya sa mga bata. Kaya pala ang hilig niya sa mga bata, may pinag manahan.

"Yan si Jake at Jack, kambal sila. 14 years old. Yan naman si Jane, 12 at Jay 10. Mag kapated silang apat, same parents." kwento ko. "Yan naman si Andri at Ken, parehas 10 years old. Si Kyla, Trisha 9 years old. Si Kian na 8 at si Gabby na 7 at Si Gian at Gio 6 years old." pakilala ni Khen. "Diba 12 sila asan yung isa?" tanong ko.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now