Chapter 26

117 8 0
                                    

Ley's POV

Nakikita ko kung pano masaktan si Charm,  kahit pa sabihing walang sila. Imagine, yung taong gusto mo, Ilang years mo ng gusto tapos alam naman ng kaibigan mong may gusto ka sa taong yun tas makikita mo nalang sila na pala ng kaibigan mo.

Sa kaso naman ni Dale parehas lang ng kay Charm ang hindi ko lang alam kung ilang years na ba niyang gusto si Dara.

Hindi ko naman sana malalamang may gusto si Dale kay Dara, kaso masyado siyang halata. Mula ng malamang niyang si Dara na at si Jiro, hindi na siya masyadong kumibo ng kumibo.

Tapos si Tiff at Dylan naman halata namang iniiwasan nila isa't isa. Si Dylan may Keyan na, si Tiff wala pa naman.

Si Khen naman parang may gusto na ata kay Seth, tas si Zayn din ata, habang ako ito pinag mamasdan silang lahat.

"Anong iniisip mo?" nagulat ako ng may nag salita sa gilid ko. "Papatayin mo ba ako sa gulat. Ha?" sigaw ko kay Zayn.

"Kanina ka pa kasi tulala." sabi niya. "Wala kang pake." sabi ko. "Hinaan mo nga boses mo." sabi niya. "Pati ba naman boses ko papakialaman mo?" sabi ko.

"Umalis kayo sa harap ko." napatigil kami ni Zayn ng biglang mag salita si Seth. Andito kami ngayon sa bench pag katapos mag lunch dumiritso kami dito.

"Si Zayn nauna." pag sisisi ko kay Zayn. "Anong ako?  ikaw kaya. Nag tatanong lang ako. Sumisigaw kana." sabi naman ni Zayn.

"Isa." sabi ni Seth. Bigla naman kami umalis agad ni Zayn sa harap niya. "Ano kayo ngayon? haha" tatawa tawang sabi ni Dylan samin ni Zayn.

"Asan naba si Jiro at Dara? hindi mapag hiwalay yung dalawa." pag iiba ni Zayn. "Manahimik ka." ingay ingay. "Bakit na naman?" Nag tatakang tanong niya. tsk.

"Ayun pala yung dalawa oh. Ang sweet naman nyan." sabi ni Zayn. Tinanaw naman namin si Jiro at Dara. Nag hahalikan ba yan?

Nakita ko si Charm at Dale na nakatingin doon. Total naman mag katabi sila sa upuan sa side pag umupo ako sa mesa hindi nila makikita sila Dara.

Haharangan ko sana yung sa paningin ni Charm at Dale kaya lang naunahan ako Seth maupo sa mesa. May alam kaya tong babaeng to? pero huli na nakita na nila eh.

Bat naman diyan pa nila ginawa yan. Rinig kung napamura si Tiff. Pag dating ng dalawa bigla silang sinalubong ni Tiff. Anong gagawin niya?

"Ilang beses ko kayong pinalampas. Lalo kana Dara." paunang sabi ni Tiff. "Alam mong si Charm... diba? Hindi ka ba kahit mahiya konti? or makonsensya konti? harap harapan pa talaga." sumabog na si Tiff.

Inawat na siya ni Charm, pati na din namin pero hindi siya nag paawat.

"Sabihin na nating walang siyang karapatan masaktan. Dahil wala namang sila, pero bilang kaibigan nalang sana, alam mo, alam natin. Bakit siya pa Dara? bakit ikaw pa?" tuluyan ng sumabog si Tiff.

"Anong sinasabi mo Tiff?" sabi ni Jiro. "Napakamanhid mo Jiro." sabi ni Tiff at tuluyan ng umalis at sinama si Charm.

Walang nakapag salita samin. Nilapitan naman ni Jiro si Dara na nakayoko.

Bakit kasi nag pakita pa ng motibo tong si Jiro kay Charm eh matapos tapos niyang lapitan nong nakaraan si Charm tas malalaman naming si Dara pala.

Hindi ko naman masisisi si Dara, nag mahal lang naman siya. Ayokong dumating sa punto na mag kagusto din ako tapos iba pala gusto niya, ngayon palang nga nasasaktan na ako para sa kanila.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now