Chapter 41

103 8 0
                                    

Seth POV

Pag kaalis ko sa canteen umupo ako doon sa tambayan namin. Matagal pa naman bago mag simula yung klase. Kakasara ko palang ng mata ko nang marinig ko yung tunog ng tiyan ko, Oo nga pala ang konte lang ng kinain ko kanina.

Kasabay non may naamoy akong pamilyar na perfume. Bigla naman nawala. Makalipas naman ang isang minuto naamoy ko na naman.

"Ayusin mo nga yang ginagawa mo. Pinag titinginan kana nila." sabi niya. Napamulat naman ako. "Hindi pa nga tayo ganyan kana makapag utos." gulat naman siya napatingin sa akin.

"Pano pa kaya... " napatigil ako ng makita ko siyang seryoso. "biro lang." dagdag ko pa.

"Ayusin mo nga yang mga biro mo. Mukha bang nakakatawa?" inis na sabi Khen. "Nagbibiro lang eh." sabi ko pa. "Tch." sabi niya. Ang sarap makitang inis na inis si Khen eh haha. biro lang. psh.

"Minsan na nga lang mag biro." bulong ko na rinig niya naman. "Minsan ka na nga lang mag biro wala pang kwenta." sabi niya.

"Oh." sabi niya. "Ano yan?" tanong ko. "Ano sa tingin mo?" sabi niya. "Anong gagawin ko dyan?" tanong ko ulit. "Ano bang ginagawa dito?" tanong niya na naman.

"Tinatanong ng maayos eh." sabi ko. "Nakakabobo mga tanungan mo." sabi niya. "Walang lason yan." sabi niya pa.

Binigyan niya ako sandwich. Hindi kaya narinig niya yung tiyan ko kanina. Malabo. "Ano to tira mo?" biro ko. "Biro lang." bawi ko ng makita ko mukha niya.

"Naku! hindi bagay sayo umaarte ng ganyan ah." Sabi ko. "Kumain ka nalang. Walang kahit na anong nakalagay dyan. Walang peanut yan." sabi niya.

"Peanut?" tanong ko. "Baka kasi may allergy ka sa peanut. E diba nga nong binigyan ka ng Sandwich na may peanutbutter bawal daw sayo yun sabi ni Zayn." nahihiyang sabi niya. Naalala niya pa yun. Psh. "Bakit mo ginagawa to?" Seryosong tanong ko.

"Gusto nga kita." walang pag aalinlangang sabi niya. Sinabi niya pa yun habang nakatitig sa mata ko. Napa iwas naman ako ng tingin. "Nasasabi mo lang yan kasi ako lang nakakaganito sayo diba? yung mga bagay na hindi pa sayo nagagawa ng iba." sabi ko pa. "Hindi kasi ganon yun." sabi niya.

"Ang daming pwedeng magustuhan diyan." sabi ko. Bakit ako pa.

"Ikaw nga gusto ko eh." sabi niya pa. "Eh hindi nga kita gusto." sabi ko. Hindi ko alam pero nakita ko sa mga mata niyang nasaktan siya sa sinabi kong yun. Bakit nasasaktan ako para sa kanya.

"Hayaan mo lang akong gustuhin ka Seth, hindi naman ako nag mamadali eh. Alam kong hindi madaling maniwala sakin dahil sa mga ginawa ko sayo nong nakaraan. Hayaan mo lang ako. Diba nga sabi mo gawin yung nakapag papasaya. Ayokong mag sisi balang araw na hindi ko pinaramdam to sayo." seryosong sabi niya. Sumusobra naba ako?

"Asan yung saya sa ginawa mo? sinasaktan mo lang sarili mo." sabi ko sa kanya. "Masakit nga siya, handa naman akong masaktan, maging masaya lang. Sege na kainin mo na yan. May dadaanan pa ako." sabi niya sabay ngumiti at umalis.. Nag tagal pa ako ng ilang minutes doon.

"Princess." tawag ni Zayn at umupo sa tabi ko. "Ang lalim ata ng iniisip mo." sabi niya. "Ano nga pala yung sasabihin mo sakin?" pag iiba ko. "May sasabihin ba ako? Nakalimutan ko." sabi niya. Psh.

"Tara na." aya ko sa kanya. "Sethhhh!! Zaynnnn!! Tabi!!" napatingin kami kay Khen. Tumatakbo papunta saamin habang sumisigaw. Ano bang sinasabi niya.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now