Chapter 57

98 12 0
                                    

Khen POV

"Shin...." napatayo kaming lahat ng mag salita si Seth.
"Nooooo... hindiiii.. hindi.. hindiiii.." dagdag niya pa. "Tama na Seth." sabi ni Tita sabay niyakap si Seth.

Nagising si Seth na umiiyak. Ganito ba siya gabi gabi? kaya ba lagi siya natutulog sa klase. Ang sakit Seth, ang sakit sakit malaman lahat ng to.

Pag kapunas niya sa luha niya saka lang siya natauhan. Tiningnan niya buong paligid.

"Asan si Shin? nananaginip lang ba ako?" tanong niya. "Natutulog na siya Princess." sabi ni Tito. "Gusto ko siyang makita." sabi ni Seth at tumayo.

Tiningnan niya Lolo at Lola niya.

"Mag pahinga na ho kayo Lolo at Lola." sabi niya. "Kayo din." sabi niya sa amin bago lumabas. Imbis na pumasok na kami sa kanya kanya naming kwarto naisipan naming lumabas muna.

Ilang minuto kaming nakatulala doon sa may gilid ng dagat habang tinitingnan yung ginawa naming apoy.

"Hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon para akong nananaginip." pag babasag ng katahimikan ni Ley.

"Inaway away ko pa siya." wala sa sariling sabi ko. "Pinahirapan ko pa siya." dagdag ko pa.

"Hindi ko alam na ganon pala pinag daanan ni Seth, ang galing niya mag tago sakin." sabi ni Ley. Nag sipatakan mga luha niya. Hinayaan lang namin siya mag labas.

"Pano niya nakaya yon? kung alam ko lang, hindi na sana ako nag kwekwento sa kanya ng mga problema ko. Dinagdagan ko pa mga isipin niya, pinagaan niya loob ko habang siya dinagdagan ko isipin niya. Napakasama kong kaibigan." sabi pa ni Ley.

"Napakadrama mo naman." sabay sabay kami napalingon ng may mag salita sa likod. Si Seth kasama si Zayn.

Tumayo yung mga babae at niyakap nila si Seth.

"Hindi ka nag iisa Seth." sabi ni Ley. "Madami kaming andito para sayo." sabi naman ni Tiff. "Lagi kaming andito para sayo." sabi ni Charm. "Wag mong solohin Seth mula ngayon ah. Ikaw din Zayn." sabi naman ni Dara.

"Hindi ako maka hinga." sabi ni Seth. Bumalik na siya sa dati.

"Panira ka naman eh." sabi ni Ley. "Moment namin to te." sabi naman ni Dara.

Nag siupuan na ulit kami doon. Tumabi sakin si Seth tas katabi niya sa kabila si Zayn.

"Bakit di niyo sinabing mag kapated kayo? at kambal pa?" pag tataray ni Ley. "Nong una, ayoko mabigla kayo tsaka nasa rules namin non wag ipag kalat na mag kakapated kami." sabi ni Zayn.

Bakit ba ang dami nalang rules. Tch.

"Tsaka ilang beses kong binalak sabihin kaso hindi natutuloy tas napuputol pag sasabihin ko na. Kaya sabi ko baka hindi pa oras sabihin sainyo yung about sa amin ni Princess at ayokong pangunahan si Princess." dagdag pa ni Zayn.

"Mamatay matay kakaselos si Khen tas kambal pala kayo. hahahaha." hagalpak na tawa ni Jiro. Panira naman. Nananahimik ako dito.

"Grabe naman ang araw na to, hindi kinaya ng maliit kong utak." sabi ni Charm. "Sinabi mo pa." sabi nana ni Tiff.

"Nga pala ang tagal na nating mag kakaibigan Zayn tapos ni minsan hindi mo sinabing may mga kapated ka pala tas yung Kuya mo pa Principal tas may kakambal ka pala. Lima pala kayong mag kakapated tapos akala namin only child ka." sabi ni Dale.

"Hindi ko kasi alam kung pano sisimulan." sabi ni Zayn.

"Ang alam ko only child." singit ko. "Tapos ni minsan nga hindi pa tayo nakapunta sa bahay nila Zayn eh." dagdag ko pa.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now