Chapter 49

109 10 0
                                    

Ley POV

"Nag kakamali ka, hindi ako umalis, hindi ko tinakasan. Akala ko bibisita lang kami kina lola at lolo. Hindi ko alam na iiwan nila ako doon. Nag makaawa ako non kay Mom at Dad na wag nila ako iwan don." tiningnan ko si Mom at Dad, napaiwas naman sila ng tingin.

"Hinayaan lang nila akong umiyak at mag makaawa doon." dagdag ko pa. Napayoko naman si Mom at Dad.

"Napaliwanag naman ni Dad na hindi totoo yun. Ok naman na tayo non. Bakit kailangan pang idala ako doon? Alam niyo naman na hindi ko kakayanin na hindi kayo kasama. Hindi niyo alam pinag daanan ko, wala kayong alam sa mga nangyari sakin. Nabully din ako Ate, wala din akong kaibigan, wala akong Mama at Papa, wala akong Ate at Kuya doon na matatakbuhan. Pumuta ako doon na walang wala at walang alam. Ni minsan ba pinuntahan niyo ako?? diba hindi??. Ni hindi niyo nga tinanong kung OK lang ba ako." tuloy tuloy na sabi ko habang umiiyak pa din.

"Sobrang bata ko pa noon." sabi ko pa. "Hindi niyo man lang naiisip yun. Kaya wag niyo ako kwe' kwestyunin na si Seth ang dahilan kung bakit ako bumalik dito. Dahil siya lang ang meron ako ng wala kayo." pag kasabi ko non pumasok na ako at nag diri' diristo sa kwarto. Doon mas lalong bumuhos yung luha ko.

Ang sakit sakit lang kasi hindi man lang nila inisip yung nararamdaman ko.

Khen POV

Malapit na mag simula ang klase ng biglang mag paalam si Seth. Ano bang nangyayari?? Una si Ley tapos ngayon siya naman. Wala naman kaming nagawa kundi hayaan siya.

Akala ko babalik siya kinahapunan pati si Ley kaso walang Ley at Seth ang dumating. Buong mag hapon akong lutang sa kakaisip kung ano bang meron hanggang sa makauwi ako.

Kinabukasan maaga ako pumasok, nag lalakad na ako papasok ng matanaw ko si Seth at Zayn na mag kaakbay. Kumirot bigla yung puso ko. Alam ko namang wala akong karapatan. Nanatili lang ako sa likod nila hanggang makarating kami sa tambayan.

"Oh Khen." sabi ni Zayn. Tinanguan ko naman sila. "Maiwan ko muna kayo. May dadaanan lang ako." paalam niya. Naiwan kaming dalawa ni Seth. Parang kahapon lang gusto ko siyang makita para kausapin.

Bakit ngayon walang lumalabas sa bibig ko. Panira. Makalipas ang ilang minuto nag lakas loob akong mag salita.

"Saan ka galing kahapon? Anong ginawa mo? May pinuntahan ka? Mag kasama kayo ni Ley??" sunod sunod na tanong ko. "Para naman akong nasa prisento nyan." tugon niya. "Sagutin mo nalang kasi." sabi ko.

"Bakit naman ako mag papaliwanag sayo?? ano ba kita?" tanong niya. Bigla naman akong nanlumo. Oo nga naman, ano niya ba ako??

"Gusto ko lang naman sabihing namiss kita, pero alam ko namang wala kang pake." Sabi ko sa isip ko. Nawalan ako bigla ng lakas ng loob para sabihin yun. Hindi nalang ako kumibo pa hanggang sa mag datingan sila at maka akyat kami hanggang mag simula ang klase at mag lunch.

"Bakit wala kang imik Khen?" tanong ni Zayn. "May problema ba?" tanong naman ni Jiro. "Kailangan bang oras oras, minu-minuto akong mag salita?" tanong ko din sa kanila.

"Parang nangyari na to ah...." singit naman ni Ley. "Nabasted ka na naman ba ni Seth? hahahha." dugtong niya. Tiningnan ko naman si Seth, nakatingin siya sa malayo. Iniwas ko nalang sa kanya yung tingin ko. Napakamanhid tch.

"Tara na sa canteen nagugutom na ako." sabi ko at nangunana sa kanila. "Ede totoo ngang dahil kay Seth pananahimik mo?" sabi ni Jiro. Napakadaldal. Hindi na ako humarap at nag diridiritso na pababa ng building.

Habang kumakain nag uusap usap lang sila habang kami ni Seth tahimik. Nanatili nalang din akong tahimik hanggang matapos kaming kumain at makarating sa room. Hindi na nag tanong sila.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now