Chapter 52

101 11 0
                                    

Ley POV

"W-wag k-kang u-u-umalis." kahit nahihirapan mag salita si Khen nasabi niya yun. "Kailangan ako ni Zayn." sabi ni Seth.

"K-kailangan d-din k-kita." sabi ni Khen.

Yung mukha ni Khen nakakaawang tingnan ng sabihin niya yun. Binalewala ni Seth yung sinabi ni Khen. Bumaling siya samin.

"Kayo ng bahala sa kanya." sabi ni Seth.

"Babalik ako." sabi ni Seth kay Khen bago lumabas ng clinic. Hindi niya man lang kami pinasalita.

Pag kaalis ni Seth, pinaalis din kami ni Khen. Pinabalik niya kami sa room. Wala kaming nagawa kahit nag pumilit kaming manatili doon.

Kahapon pa naman  hindi na maayos pakiramdam ni Khen, siguro lumala kanina kasi naulanan siya.

Nang mag simula na ang klase, kahit isa saming mag kakaibigan hindi maka focus sa lesson. Saan ba pumunta si Seth at Zayn? tapos si Khen nasa clinic.

Hindi namin namalayang uwian na pala. Walang Zayn at Seth na humabol sa klase. Akala namin baka andon si Seth or kasama niya doon si Zayn sa Clinic mag bantay kay Khen pero pag bukas namin ng pinto, walang Seth at Zayn at wala ding Khen.

"Asan po si Khen?" tanong namin sa nurse doon. "Kaaalis niya lang." tugon ng nurse.

Mabilis kaming lumabas ng clinic baka sakaling mahabol pa namin si Khen.

Didiritso na sana kami sa pag baba sa hagdan ng may marinig kaming nag uusap.

"Ako yung boyfriend mo Seth, pero kung umasta ka parang si Zayn pa boyfriend mo." sabi ni Khen. Gulat kaming nag katinginan ng marinig namin yun.

Boyfriend? sila? panong nangyari yun? kelan pa?

Natigil ang katahimikan ng dumating yung kapated ni Khen.

"Kuya!! andyan ka na pala... Oh Seth.. hello, andyan ka din pala." sabi ni Jazz. "Nag aantay na si Dad sa baba." dagdag pa na sabi ni Jazz.

Pag karinig namin ng mga yapak pababa, nakahinga kami ng maluwag.

"Si Seth at Khen?" pangunguna ni Dara. "Paanong nangyari yun?" tanong naman ni Dale. "Boyfriend?" wala sa sariling sabi ni Charm.

"Kailan pa?" tanong naman ni Tiff. "Saan nangyari yung sagutang naganap?" singit naman ni Dylan.

Umuwi kami ng may pag tataka sa mukha dahil sa narinig naming pag uusap ng dalawa.

Hindi ako nag tanong kay Seth, mukhang dadagdag pa ako sa problema niya pag nag tanong pa ako.

Kinabukasan. Pag kadating kong campus andon na sila pwera kay Seth at Khen. Malapit na mag simula ang klase ng dumating si Khen.

Yung upuan agad ni Seth una niyang tiningnan. Pag katapos niyang makitang walang Seth na nakaupo doon, nilibot niya mata niya sa room namin.

"Ok kana?" salubong namin sa kanya. "Yep." maikling sabi niya.

Nag simula na ang klase walang Seth na dumating. Akala namin di niya sa papasok, pero pumasok niya pag kalabas ng teacher namin sa 1st subject.

"Bat ngayon ka lang?" salubong namin sa kanya. "Napasarap tulog ko." sabi niya.

Hindi naman kami nakapag usap usap ng dumating na yung teacher. Nag tuloy tuloy lang yung klase hanggang dumating ang lunch.

"Seth tara na." aya namin sa kanya. "Sege na, busog pa ako. Kumain ako bago umalis ng bahay." sabi niya.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now