Chapter 31

114 9 0
                                    

Charm's POV

Maaga akong pumasok ngayon. Wala naman bago doon. Maaga talaga ako pumasok. Wala pa ding update kung ano na lagay ni Seth.

Dumating naman agad sila. Wala pa si Dara at Jiro. Paniguradong sabay na naman sila pumasok.

Nag usap usap lang kami ng bigla kaming mapalingon sa gawi ni Dara at Jiro na kadadating lang at nag aaway.

"Kung ganon wag nalang natin ituloy to." sigaw ni Dara. "Ede wag na natin ituloy to." sigaw din ni Jiro.

Napansin ata nilang dalawa na andon na kami sa bench. Si Dara ang unang lumapit saamin.

"Ano bang pinag aawayan niyo?" Sabi ni Dylan. "Madami. Hindi mabilang." sabi ni Jiro. "Kasalanan mo naman lahat." sabi naman ni Dara.

"Kasalanan ko pa ngayon." sabi naman ni Dara. "Oo kasalanan mo naman talaga." bwelta naman ni Jiro.

"Wag kayong mag sigawan dito. Para kayong bata. Pinag uusapan ng mahinahon yan." biglang singit ni Khen. Sumang ayon namin kami doon pwera kay Dara at Jiro.

"Hindi na kailangan pag usapan pa. Wala na kaming pag uusapan." sabi pa ni Dara. "Mag kaiba kami sa lahat ng bagay." sabi naman ni Jiro. Sumang ayon naman si Dara.

"Teka nga lang." sumingit na ako. "Ang babaw niyo ah. Dahil lang sa mag kaiba kayo? Pwede niyo naman tanggapin yung mga bagay na mag kaiba kayo. Nasa process naman yan. Dapat mag kaisa kayo. Harapin niyo mga pag kakaiba niyo. Wag niyo idaan sa ganyan na parang mag bre'break kayo." napanganga naman sila.

Oo, gusto ko si Jiro pero never ko naman hiniling na mag break sila ni Dara, para lang sa nararamdaman ko. Itong nararamdaman ko kay Jiro, saken nalang to.

Mag sasalita na sana sila ng biglang...

"Break na kami." sabay na sabi ni Jiro at Dara. "Hanggang magkaibigan lang talaga kami." sabi pa ni Dara. Ni walang awkward na makikita sa dalawa.

Hindi man kami makapaniwala sa nangyari kanina. Sa desisyon nilang mag break nalang. Narinig naman namin both side mga hinain nila at seryoso ngang friends nalang daw sila.

Lunch na ng biglang mawala bigla si Khen.

"Saan ba nag punta yun." Sabi ni Dale. "Hindi kaya may nag text na naman sa kanya?" Sabi naman ni Dara. "Hala. Baka si Khen naman ngayon binugbog." sabi naman ni Tiff. "Bat hindi natin naisip yun." sang ayon ko pa.

Mag sasalita pa sana kami ng mapalingon kami sa harap namin. Nakatingin samin si Dylan, Dale, Jiro at Ley. Yung tingin na hindi makapaniwala sa mga sinasabi namin.

"Sarap niyo pag uuntugin." sabi ni Ley. "Kakatext lang ni---." sabi ni Dylan. "Bakit hindi mo naman kasi sinabi agad." sabi ni Tiff. "Hindi kayo nakikinig eh. Kung ano ano ini' imagine niyo dyan." paliwanag ni Dylan.

"Ano ba daw nangyari sa kanya?" sabi ni Dara. "Asan daw masakit sa kan---." pinutol na ni Dale yung susunod pa sanang sasabihin ni Dara.

"Wag ka ngang Oa dara." sabi ni Dale. "Hindi ako Oa ah. pake mo ba? haha" bwelta naman ni Dara. "Tumigil na kayo. Nasa Hospital si Khen." singit ni Dylan.

"Halaaa, anong nagyari sa kanya." biglang sabi ko. "Isa ka din Charmagne eh. Apaka Oa niyo." biro ni Jiro. "Ano namang oa don. Alangang matuwa kami na nasa hospital si Khen. tsk." sabi ko sa kanya.

"Oo matuwa dapat kayo. Kasi pinuntahan ni Khen si Seth sa hospital haha." singit ni Dylan. "Kaso hindi naman nag update satin." sabi naman ni Dale.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now