Chapter 42

103 7 0
                                    

Zayn POV

"Oo, may gusto ako sa kanya, may gusto ako kay Seth." pag aamin niya.

Hindi ko ni expect na sasabihin niya yun ng diridiritso at nakatingin pa sakin na walang pag aalinlangan at lalo na sasabihin samin lahat. Kahit alam naman namin at nahahalata na naming may gusto siya kay Princess.

"Ang dami namang iba dyan, bakit si Seth pa?" sabi ko sa kanya.

"Yan din yung tanong ko sa sarili ko ng maramdaman ko to. Alam niyo naman ang daming gulong nangyari sa pagitan namin kahit ako hindi ko alam kung anong nangyari basta isang araw napansin ko nalang sa sarili ko, benaliwala ko yung nararamdaman ko na yun hanggang sa kaka' baliwala ko mas lalong nagugustuhan ko siya. Pinilit ko namang pigillan eh. Pero mas lalong nagugustuhan ko siya. Ang korni ko diba?" seryosong kwento niya. Hindi kami nakakibo lahat.

"Nang napaamin namin ni Jiro si Khen, Nakita naman naming seryoso si Khen sa pag kakagusto kay Seth, diba Jiro." sabi ni Ley. "Umamin siya sainyo?" tanong nila. "Oo nong nakaraan pa." sabi naman ni Jiro.

"Sinabi mo naba to kay Seth?" tanong ko. "Oo umamin na siya." pangunguna ni Ley. "Nong nakaraan pa." dagdag pa ni Jiro. "Nong mga araw na yun wala talaga akong balak na umamin pero nabigla ako, kaya napa amin ako." sabi ni Khen.

"Nakuu binata na yung Khen natin haha." sabi naman ni Dara. Nag tawanan naman sila. "Yun ba yung bigla kang nawala Khen?" sabi ni Dylan. "Oo yun nga." sabi ni Khen.

"Anong sabi ni Seth nong umamin ka?" pag tataka ko. "Pinag tawanan ako." maikling sagot ko. "Syempre pag tatawanan ka talaga, biruin mo ilang beses mo siya ginulo tapos yung alitan niyo. Sino di matatawa?" sabi ni Ley. Pati ba naman sa pag ibig masasaktan ka Khen? Lahat nalang ba?

"Anong balak mo?" tanong ko. "Patuloy ko pa din siyang gugustuhin." sagot niya. "Tsaka mukhang ikaw yung gusto niya Zayn." sabi niya. "Anong bang pinag sasabi mo?" sabi ko sa kanya.

Natigil ang usapan namin ng matanaw namin si Princess na papalapit na saamin. Pag karating niya sa amin. Nilapag niya yung bitbit niyang supot na may inumim sa mesa. Tag iisa kami. Tsaka nilapagan niya ako ng dalawang sandwich.

"Naks naman teh, napaka unfair naman nito. Samin tubig tapos kay Zayn may pa sandwich?" sabi ni Ley. "Kakakain niyo lang." sabi ni Princess sa kanila.

"Kainin mo yan." sabi ni Princess saken. "Susubuan paba kita?" dagdag pa ni Princess. "Aantayin mo pa bang manghina ka at mahilo ka na naman uli. Gusto mo bang madala sa Hospital dahil diyan sa katigasan ng ulo mo." sunod sunod na sabi niya pa. "Ito na nga kakain na." kahit busog pa naman ako.

Nakita kong napaiwas ng tingin si Khen samin.

"What??" Napabaling kami ng mag salita si Khen. May kausap siya sa phone. Bigla siya tumakbo. Walang lumabas sa bibig namin. Dali dali kaming sumunod sa kanya.

Natagpuan namin sarili namin sa campus ng Elementary. Naabutan namin si Khen na nakikipag usap kay Jade at Jared. Andon din si Jazz. Himala atang andon si Jazz.

"Jade, Jared, bakit nakipag away kayo." sabi ni Khen. "Sabi po kasi nila, wala tayong parents." sabi ni Jade. Hindi napa salita si Khen sa sinabi ni Jade.

"Alam mong hindi totoo yan Jade." sabi ni Jazz. "Kung hindi po totoo, bakit po wala lagi sa bahay si Mom at Dad." sabi naman ni Jared.

"Diba po iniwan na tayo nila Mom at Dad." sabi ni Jared. "Kasalanan mo po to Kuya." biglang sabi ni Jade at umiyak. Kita kong nabigla si Khen sa sinabi ni Jade. Lahat naman ata kami nabigla. Ngayon ko lang nakitang ganito si Jade.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now