Chapter 19

130 13 0
                                    

Charm's POV

Maaga akong pumasok. Tumambay muna ako doon sa may bench dahil hindi pa bukas yung building namin, hindi lang yung building namin pati nadin ang lahat ng building. Napaaga ata ako.

Habang inaantay ko bumukas nahagip ng paningin ko ang mga nag t' training ng basketball. Ngayon pala ang simula ng training nila.

Nakita ko si Jiro hindi ko pala nasasabi na isa si Jiro sa basketball Player ng School namin since grade 9. Pag katapos nila mag warm up tumakbo sila palibot sa Ground.

"Sinong tinitingnan mo?" Gulat akong napatingin sa biglang nag salita sa gilid ko.  "Oh, Seth? Ang aga mo ata?" tanong ko sa kanya.


"Sino diyan tinitingnan mo?" Tanong parin niya. "Ahh wala. Napatingin lang ako." sagot ko.

"Anong napatingin? Kanina pa ako dito at dalawang beses na kitang tinawag tutok na tutok ka diyan sa tinititigan mo." Mahabang sabi niya. Kakagulat naman to si Seth. Pag talaga kay Seth walang kawala lahat.

"Yun ba?" Turo niya kay Jiro. "Yun bang lalake na yun?" Sabi niya pa. "E-ewan k-ko sayo Seth. Napaka daldal mo ngayon." Sabi ko nalang.

"Para hindi ka iwasan ng crush mo wag kang mag tapat sa kanya." Sabi ko kay Seth.  "Pero sa kaso mo Charm...." Biglang singit ng nasa likod namin. Si Tiff. "hindi ka pa nga umaamin hindi kana pinapansin. Hahaha" natatawang sabi niya. 

"Langya ka tiff." Ok lang malayo naman sa atay. HAHAHHAHA.

"Alam mo kasi Seth itong si Charm may lihim na pag tingin kay Jiro matagal na na panahon. Magkakilala sila ng mga bata pa sila. Tapos nong grade 7 nag transfer dito sa school na to si Charm tsaka niya nakita ulit si Jiro. Kaso mukhang hindi na ata maalala ni Jiro na mag kakilala sila ni Charm. Itong si Charm simula grade 7 hanggang grade 10 tinitingnan si Jiro sa malayo. Tas mas sumaya pa yan nong maging kaklase namin si Jiro nong grade 11 hanggang ngayon." Kwento ni Tiff kay Seth. Napakadaldal nitong babaeng to.

"Manahimik kana baka may makarinig pa sayo." Singit ko kay Tiff. "Bakit ayaw mo umamin?" Tanong ni Seth.

"Ayoko pa sa ngayon masaktan haha. Okay na saken na nakikita ko siya sa malayo man o malapit. Ayoko kasi dumating sa point na pag umamin ako hindi ko na magagawa ang mga bagay bagay sa harap niya dahil sa hiya." paliwanag ko.

Aamin din ako pero hindi sa ngayon, natatakot ako ma reject haha. Dipa ako ready Jiro. Kahit sobrang tagal na kitang gusto hindi pa din ako ready umamin.

"Ikaw din pag ikaw naunahan ng iba diyan wag kang iiyak samin ah." natatawang sabi Tiff. "Hmp. Noong ikaw nga umiyak dahil sa lalake nakiramay naman ako sayo ah. Napakasama mong babae." Biro ko.

"Hoy tapos na yun ah. Wag kang makinig dito kay Charm, Seth sinungaling to eh." Sabi ko. "Wag ka nga mag sinungaling Tiff, sa atin ikaw yung tangang iniyakan ang lalake hahaha." Biro ko.

"Foul yun ah. Kaibigan ba talaga kita?" sabi ni Tiff.

"Alam mo kasi Seth itong si Tiff isang araw umiyak yan samin kung hindi pa namin pilitin dipa aamin. May 2 years siyang ka MU. Akalain mo yun, 2 years silang mag MU tapos di namin alam. Ni hindi nga niya sinabi samin ang pangalan. Ang sabi niya babaero daw yun. Hanggang ngayon di pa din namin kilala kong sino ba yun. Tumagal siya sa babaero haha." Kwento ko. Tatango tango naman si Seth.

"Napakadaldal mo. Kinalimutan ko na nga yun eh." Sabi ni Tiff.

"Ikaw Seth anong kwento mo? May naging Boyfriend kana ba? O girlfriend? Hahah" tanong ni Tiff. Nag isip muna siya ng sasabihin.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now