Chapter 24

115 10 0
                                    

Charm's POV

"also Jiro's girlfriend."

Kita kong nabigla din yung mga kaibigan namin lalo na si si Tiff ng si Dara ang lumabas.

Inalalayan naman ni Jiro si Dara paakyat ng stage. Ang sakit. Alam ko namang mang yayari to pero diko alam na ipapakilala na pala. Haha.

"Sabi na nga ba." sabi ni Dylan. "Halata naman sila eh. Tao sila pero bagay talaga sila. haha" sabi naman ni Zayn.

"Arayyy... bakit ka naninipa." biglang sabi ni Zayn na nakatingin kay Seth. Pati kami napatingin. "Tumahimik ka nga." biglang sabi ni Seth.

Ok lang Seth.

Hindi ko lang namalayaan na tapos na ang party, ang laman ng isip ko lang yung "Jiro's girlfriend" na yan. haha. Hindi nalang ako nag paapekto.

"So, pano mauna na kami Charmagne." paalam nila Dad saken. huh? nag taka ako sa sinabi nila. "Balita ko may overnight daw kayo." sabi ni Dad. "Pero dad---" pinutol niya sasabihin ko.

"Ako na bahala sa kanya" sabi ng Mom ni Jiro. Katulad ng dati wala na naman akong nagawa. Gusto ko ng umuwi.

Binigyan naman kaming lahat pantulog na damit bago mag tipon tipon doon sa sala nila. Kami kami nalang natira doon. Lahat ng bisita umalis na.

"Hindi ka nag sasabi samin Dara." panimula ni Tiff. "Alam mo naman diba?" dagdag pa ni Tiff. "Tiff." pag titigil ko sa kanya.

"Sorry." nasabi nalang ni Dara. Nag tataka naman sila Jiro at mga kaibigan niya kung ano pinag uusapan namin.

"Sandale lang ah. Tara sa labas." biglang sabi ni Ley. Sabay lumabas kami ng bahay nila Jiro. Nag diritso kami don sa may garden nila,  sa may upuan.

"Mag paliwanag ka Dara." kita kong naiinis na si Tiff. "I'm sorry diko sinsadya." sabi niya. "Hindi mo sinasadya? Alam mo namang gusto ni Charm si Jiro diba??" galit na sabi ni Tiff.

"Tigil na Tiff, wala naman ako karapatan kasi ako lang nag kagusto, ni hindi nga alam ni Jiro e." sabi ko naman.

"Kahit na. Bakit ikaw pa Dara? Parang hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ni Charm" dagdag pa ni Tiff.

"Ako ba?  hindi niyo man lang naisip nararamdaman ko?" biglang sabi ni Dara. "Bakit namin iisipin yun? kung iisipin si Charm ang dapat na nasasaktan." sabi ni Tiff.

"Tama na yan. Mag usap usap nalang ulit kayo pag kalma na kayong lahat" sabi ni Ley. "Umuwi na tayo." sabi ni Tiff. "Hindi na. Isipin nalang natin na walang nang yari ngayon." sabi ko. Ayoko mag paapekto.

Pag kapasok namin kataka taka naman mga mukha nila. Kita ko din pananahimik ni Dale.

"Ok ka lang?" mahinang sabi ko sa kanya. "Oo naman bakit naman hindi. haha." kahit pa tumawa siya kita ko namang hindi.

"Lukuhin mo pa sarili mo." sabi ko sa kanya. "Wala naman akong karapatan masaktan hindi naman kami." sabi ni Dale. Same Dale, same. Napag desisyunan nilang manood nalang ng movie.

"Arayy.... parehas na parehas kayo ng kaibigan mo. Mga brutal." sabi ni Khen kay Ley.. "Hindi ko sinasadya ah. Nasagi ko lang. Hindi pa ba ok yan?" sabi naman ni Ley.

"Saan kaba kasi pupunta bro?" tanong ni Zayn. "Nauuhaw ako." sagot niya. "Oh." sabay sabay kami napatingin kay Seth ng biglang bigyan niya ng inumin si Khen.

Mas nabigla si Khen. Haha.

"I-ininuman m-mo na yan eh." nauutal na sabi ni Khen. "Napakaarte mo naman dinaig mo pa babae." sabi ni Seth sabay bawi ng inalok niyang inumin.

INTO YOU (COMPLETED) Where stories live. Discover now