Chapter 30

114 9 0
                                    

Khen's POV

Matapos kumalma ni Zayn. Bumaling naman samin ang Principal. Sino ba talaga siya.

"Umuwi na kayo, baka hinahanap na kayo ng magulang niyo, ako na ang bahala sa kaibigan niyo." sabi ng Principal samin. "Pero po--" hindi naman siya pinatapos ng Principal mag salita.

"Wag kayong mag alala padating na din naman ang parents ni Seth. Ako na bahala sa kanya habang wala pa parents niya. Sa ngayon umuwi na kayo baka hinahanap na kayo ng magulang niyo. Babalitaan nalang namin kayo sa kalagayam ni Seth." paliwanag ng Principal.

Hindi naman agad kami naka salita sa sinabi ng Principal.

"Tara na Zayn." aya namin kay Zayn. "Sege na. Umuwi na kayo. Dito muna ako." sabi naman ni Zayn.

"Dito muna din ako Serrrr." pag mamakaawa ni Ley sa Principal. "Umuwi kana Ley, Tatawagan nalang kita pag nagising na si Princess." sabi naman ni Zayn kay Ley.

"Tatawagan ko nalang kayo pag nagising na siya." sabi ni Zayn saming lahat.

Gustuhin man namin manatili doon, napag desisyunan nalang namin umuwi.

Kinabukasan

"Wala ba talaga kahit isa sa inyo ang ni contact ni' Zayn?" pag uulit na naman na tanong ni Ley. Sinagot lang naman ulit namin siya ng tango.

Andito kami ngayon sa bench. Nag papakiramdaman. Nag aantay pa rin sa pag tawag or text samin ni Zayn tungkol sa kalagayan ni Seth.

Hindi ako nakatulog kakaantay. Lahat naman kami hindi nakatulog ng maayos. Hindi ko na natiis pang mag antay ng uwian, nang dumating ang lunch tinungo ko ang hospital kung saan si Seth.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ni Seth.

"Kailangan ako sa School, babalik ako mamaya pag natapos ako. Tawagan mo nalang ako." Rinig kong paalam ng Principal kay Zayn. Andito ulit siya?

Inantay ko naman lumabas yung Principal. Mukhang nag mamadali siya hindi na niya ako napansin doon sa may upuan sa labas ng kwarto ni Seth. Pag kaalis niya pumasok naman ako.

"Oh Khen, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Zayn. "Akala ko mamaya pa kayo pupunta." dagdag niya pa. "Nauna na ako. May dinaan din kasi ako malapit dito kaya dumiritso na ako dito." sabi ko naman.

Parang iba yung naiisip niya kung bakit ako pumunta dito.

"W-wag k-ka ngang mag isip ng iba." sabi ko sa kanya sabay iwas. "Alam mo yun, hindi lang ako mapakali doon, habang hindi nalalaman kalagayan niya. Isa ako don sa nakakita sa kaniya at walang nagawa." paliwanag ko.

Tinawanan niya lang ako. tch.

"Wala naman ako sinabi, bakit nag papaliwanag ka? haha." pag bibiro niya pa.

"Tch. kumusta na siya?" pag iiba ko. Sabay tingningnan si Seth na nakahiga pa doon. "Ok naman siya." sabi ni Zayn.

Buti naman kung ganon. "Oh?, hindi ko nadala damit ni Seth." bulong niya na narinig ko naman. "Ako na bahala kay Seth, kunin mo na at ng makaligo ka na din." singit ko bigla.

"Wag na." sabi naman agad ni Zayn. "Bigay mo nalang saken yung address ng bahay nila Seth, ako na kukuha." sabi ko naman. Napalingon naman agad saken si Zayn.

"Seryoso nga kase, ako na mag babantay kay Seth." sabi ko pa. "Hindi ka na ba babalik sa school?" tanong niya saken.

"Hindi na, nag paalam naman ako sa teacher natin." sabi ko sa kanya. "So, pano ikaw na bahala kay Seth, mabilis lang ako." sabi niya saken.

INTO YOU (COMPLETED) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin