CHAPTER 4 - LOST TREASURE

9.7K 402 28
                                    

ASHARI'S POV

"La~la~la~la~" maligayang maligaya ang kalooban ko habang iniikot ko ang pinakamalapit na grocery store sa bahay. Napapakanta pa ako ng wala sa oras. Whoo, ang sarap pala sa feeling na parang may living banko ka na naiwan sa bahay.

"La~la~la~la"

Lahat ng makita kong masarap, bibilhin ko na. Uubusin ko na ang 3k na iniwan sa akin ng magaling kong tatay! Chocolates, chichirya, soft drinks, lahat!

Habang masayang namimili, bigla kong naalala si 500 M! Awwe, ang cute niya talaga! Nasa ilong ko pa din 'yung amoy niyang mabango. Pati pisngi niya na mamumula mula at matambok, hindi pa din mawala sa puso ko.

"Ihhhhh! Mayamaaannn na akoo!" tili ko sa gitna ng grocery store. Napatingin sa akin yung ibang bumibili. Imbis na mahiya, inirapan ko lang silang lahat. Hmpf, ano tinitingin tingin niyo diyan ha, mayaman ako! Kaya ko kayong bilhin.

Nag flip ako ng hair at itinulak na ang cart ko. Puno na ng mga chichirya at kung ano ano pang pagkain na bet ko ang cart.

Time to buy gatas na for 500M. Kumakain kaya ng Cerelac ang 500M ko? Naku, dapat bilhan ko siya ng nutritious food. For sure gutom na 'yung batang cutie na'yon.

Dimiretsyo ako sa stante ng mga gatas. Tumingin ako sa presyo...ANG MAMAHAL NAMAN NG NAKA CAN NA MALAKI. 2K higit. Hmpf, humanap ako ng pinaka mura, buti nalang at nakakita ako.

Tatlong Birch Tree yung tig 8 pesos na nakasache ang kinuha ko. Oha, wag ng mag iinarte si 500M dito mas mahal pa nga to ng 2 pesos sa Alaska powdered milk e. Dumampot na din ako ng cerelac na nakasache din. Pinag isipan ko pa kung dalawa ba o tatlo ang kukunin ko, kaso mejo mahal kaya isa lang kinuha ko.

"Mag fasting ka muna 500M ha, naubos na pera ko pang bili sa mga chichirya ko e." pagkumbinsi ko sa sarili ko kasi parang nanghihinayang pa ako na bilhan ng cerelac si 500M.

Ibabalik ko na din naman siya bukas ng umaga e! Hindi niya kaylangan ng sandamukal na pagkain noh. Pero syempre dapay pagtagalin ko muna siya sa akin kahit hanggang ngayong gabi para naman masabi ko na inalagaan ko talaga ng mabuti si 500M sa loob ng mahaba habang oras.

Na-i-imagine ko palang kung gaano kaligaya ang mga magulang ni 500M pag ibinalik ko na ang anak nila e kinikilig na kaagad ako. Na-i-imagine ko na yung scenario na i-a-abot nila sa akin ang isang malaking bag na puno ng pera tapos kapalit ay i-a-abot ko naman sa kanila si Chanak-este si 500M.

Haysss, nakakakilig talaga!!!

Pagkatapos ko sa gatas, bumili na din ako ng tingi na diaper. Yung pinaka mura din, tatlong piraso binili ko kasi kung ihihiga ko siya sa tabi ko mamayang pagtulog, e baka ihian ako non. Baka mapatay ko siya ng wala sa oras edi tegi 500 Milyones ko, nakulong pa ako. Mainam ng mag-ingat. Kaylangan niya ng diaper.

Napkin nalang kaya ibili ko kay 500M para mas mura? Hmmm, wag na nga, baka di pa masalo ihi niya.

Pagkatapos mamili sa grocery, agad din akong naglakad pauwi sa bahay. Gabi na at madilim na ang daan pauwi!

Grrr, bakit ba kasi pinanganak akong hindi mayaman e. Ayan naglalakad tuloy ako! Kaunting tiis nalang mga kalyo at t-bak ko sa paa, oras na makuha ko ang 500 milyones ko, bibili agad ako ng kotse! Yung mahabang Lamborghini para agaw pansin! Gusto kong ma-inggit sa akin lahat ng makakakita! MWAHAHAHA!

Habang naglalakad pauwi bitbit ang dalawang eco bag ng groceries, hindi ko mapigilang luminga linga sa paligid ko.

Bakit ba pakiramdam ko e may umaaligid sa aking masamang elemento?

Nagtuloy lang ako sa paglalakad pero iba talaga ang nararamdaman ko.

Alam niyo, ramdam ng masamang kagaya ko kapag may masamang umaaligid din sa kaniya. Radar to radar na'to.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now