CHAPTER 34 - ONCE AN ANGEL

6.2K 373 150
                                    

Gali, ok ka lang ba? Ako ito, ok lang. Masaya ako sana masaya ka din diyan...




"In two weeks, aalis ka na sa mga Marchese. Tapos na ang kontrata mo as Gali's babysitter. I am offering you a life with the Silvias. You can personally have my people. I will give them to you, Ashari."



Wow!

Magre-react palang sana ako sa napakagandang offer niya ng biglang nagsimulang tumugtog ng violin.

Doon ko lang narealize na nasa main deck na kami.

Wow! As in wowww!

Mapapa-wow ka nalang talaga sa ganda ng lugar. Busog na busog na kaagad ang mata ko kahit hindi pa kami nagsisimulang kumain.

Kung maganda sa umaga, mas maganda ngayong gabi. May pa-candle light dine pa kasing nalalaman! Tapos may paviolin pa.


Saan ka pa?


Edi dito kana kay Rebel!



"Shall we?" Nakangiting in-offer ni Rebel ang palad niya. Kinuha ko naman iyon at feel ko talbog na talbog ko ang beauty ni Cinderella o kahit sino pang  disney princess 'yan!


Mahihiya kahit sinong prinsipe dito kay Rebel e.


Easton, magpaturo ka nga dito kay Rebel kung paano tratuhin ng tama ang isang babae! Hindi 'yung panay 'I will kill you' lang nalalaman mo!

Dinala ako ni Rebel sa dining table. Aahhhh! Ganitong ganito 'yung mga nasa cruise ship date e!


Kikiligin na ba ako kay Rebel?

Alam ko namang hindi ito date. Simpleng dinner lang 'to kaya wala akong karapatang kiligin.


Kay John at Trixter lang kakalembang pempem ko HAHAHA!



Pagdating sa dining table na napaka bongga ng pagkaka-ayos, pagkain kaagad ang tiningnan ko.


"I bet you won't doubt me again after what I did for you today." binabawi ko na 'yung sinabi ko na kampon ng kasamaan si Rebel. Promise, walang ganitong kabait na tao sa impyerno! "Walang lason 'yan, I promise." ngumiti si Rebel bago naghila ng upuan para sa akin. Pinaupo niya ako doon.


"Malamig, you should wear this." naramdaman ko ang coat na bahagyang pumatong sa balikat ko. Saktong sakto, nagkaka-chicken skin na nga ako sa lamig e. 


Akalain mong naisipan pa ni Rebel na bigyan ako ng coat.


Nakatitig lang ako sa kaniya habang naglalakad siya papunta sa pwesto niya na kaharap ko. 


Binabawi ko na talaga ang lahat ng masasamang inisip ko sa taong 'to! Hindi siya kanang kamay ni satanas, isa siyang anghel!


UULITIN KO, ISA SIYANG ANGHEL!


Literal na anghel na ibinaba dito sa lupa para pagpalain ang kagaya ko.



Imagine, tumakas lang ako sa Marchese, nakidnap ako ng wala sa oras tapos nagkaroon ako ng instant happy life.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now