CHAPTER 10 - STAY

8.9K 347 19
                                    

THIRD PERSON'S POV

Tanda niyo 'yung Man in Black na hinampas ni Ashari ng suitcase at pinagulong sa hagdan? Ayorn, nagising na siya. Bumalik siya sa mga mansion ng Silvia-- ang pinaka malakas na kalaban ng nga Marchese.

"THEY SENT AN ICE CREAM TRUCK OF DEAD SILVIAN SOLDIER! SA TINGIN MO UUPO LANG AKO DITO AT HINDI SILA IPAGHIHIGANTI?" nag pupuos sa galit si Ryder Everett Silvia, isang Caporegime, anak ng Big Boss.

"Calm down Ryder..." mahinahon na ani ng Big Boss habang naka daop palad ito sa kaniyang swivel chair.

"Pero Dad--"

"Why don't you try to be more like your brother? Do not use your useless mouth unless you will say something important." kahit sabihing mahinahon ang Big Boss, ramdam na ramdam pa din ang matikas at ma-autoridad nitong tono. Sapat na para mabahag ang buntot ni Ryder.

Si Ryder ang bunso sa magkakapatid na Silvia. He's only 17 pero isa na siyang Caporegime. Hindi siya ang Under Boss dahil ang kuya niya na si Rebel Hakeem Silvia ang napili ng ama upang umupo sa posisyon na ito.

Wala ang kaniyang kuya kaya naman siya muna ang nandito kasama ang ama.

"Report to us what happened." utos ng Boss sa Silvian Soldier na nakayuko lamang dahil sa kahihiyan.

"W-we failed Boss. Hindi namin nakuha si Galileo. Dumating ang mga Marchese. Si Easton Marchese."

Tumikhim ang bagang ni Ryder pero pinigilan niya ang galit. Isang salita pa niya, mapapalabas siya ng Ama at ayaw niyang mangyari yon.

"And the 500 million?" dagdag pa na tanong ni Big Boss.

Nasamid ang lalaking Silvian soldier. "H-hindi ko po alam ang buong pangyayari dahil wala na akong malay. Pero pagkagising ko, naabutan ko po na nasa buong lobby ang pera. Nakakalat po doon. Kasalukuyan na pong nag-i-imbestiga ang mga detective natin. Tinutukoy na din po nila kung saan dinala si Floyd pati na ang iba pa."

Si Floyd ay ang Caporegime nang grupo. Siya yung maskulado na nakalaban ni Easton.

Tumango tango ang Big Boss. Napaka kalmado nito kahit pa sabihing pumalpak sila sa plano.

Hindi na napigilan ni Ryder na magsalita...

"Hindi na ako magtataka kung bakit kayo natalo. Si Easton Marchese ang nakaharap niyo, siya ang Under Boss ng Marchese at hindi siya basta basta. Kung si Kuya Rebel ang nakaharap niya, siguradong nasa atin na ngayon ang bata."

Lalong yumukod ang Silvian soldier. "Ang totoo po niyan, kayang kaya po namin silang talunin. Hostage po ang bata, ibinaba nila ang mga armas nila at wala na silang kalaban laban."

Nahampas ni Ryder ang sala table, "O e ayon naman pala, bakit hindi niyo pa siya natalo?"

"Iyong babaeng may dala kay Galileo. Siya ang dahilan Boss. Siya ang dahilan kung bakit kami natalo."

Babae? Hindi mapigilan ni Ryder ang sarili na matawa ng sarkastiko.

"Anong magagawa ng isang hamak na babae? Natalo kayo dahil sa babae?" Hindi makapaniwala si Ryder. Anong babae ba 'yon? Isang assasin? Specialy trained mafian soldier? Ano!!!?

"We'll wait for the investigation. As for now, gusto kong kuhanin mo ang information tungkol sa babaeng sinasabi mo." utos ng Big Boss. "Lahat lahat, naiintindihan mo ba ako?" madiin na dagdag nito.

Tumungo ang Silvian soldier. "Yes Boss, as soon as possible dadalhin ko sa'yo."

Umalis na ang Silvian soldier. Kalmadong sumandal sa backchair ang Big Boss. Kakauwi lamang nito galing ng ibang bansa at ito na kaagad ang bumungad sa kaniya.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now