CHAPTER 23 - LUCID

5.7K 257 99
                                    

ASHARI'S POV

Naglalakad ako sa iskinita papunta sa bahay namin. Napakamot ako sa ulo.

"Anong ginagawa ko dito?"

Luminga ako sa paligid. Walang katao tao. Ano 'to? May zombie apocalypse? May abduction ng alien? May pandemic tapos nag quarantine sila kaya sinadyang hindi ako i-inform kasi kaaway ko lahat ng kapitbahay namin dito? Huh, sabi na may binabalak na masama sa akin ang mga 'yon. Ilang araw lang akong nawala tapos pagbalik ko ganito na?

Humangin ng malakas. Humuni ang tunog ng hangin at nagliparan ang mga nakakalat na dahon sa paligid. May sampong kulatay din na bond paper na tinatangay ng hangin ang biglang sumulpot.

'Yung isang bond paper sapol pa sa mukha ko with matching alikabok!

"Bwisit ano ba'to?" inis na kinuha ko 'yung bond paper na bumalandra sa pagmumukha ko.

Tiningnan ko kung ano 'yung nakasulat doon.

'Missing: Ashari Ferell, 5 years old. Makulit. Matakaw. Hingi ng hingi ng kwarta. Bata palang mukha ng pera. Walang pabuya sa makakapagbalik. Note: Kapag nakita mo, layuan mo siya tumakbo ka na, may balat 'yan sa pwet.'

May pucture na nakalagay sa missing post, 'yung picture ko na tumatae sa likod bahay. Nakatalungko tapos naka-amba ng suntok sa kung sino mang kukuha ng picture!

Nanlaki ang butas ng ilong ko!

Ito 'yung flyer na sampong piraso na xerox at di man lang colored na pinagawa ng tatay ko nung nawala ako nung 5 years old palang ako.

O diba ang galing. Di man lang ipinakat sa poste ng maayos. Nagliliparan oh! Paano ako mahahanap nito?

Ang daming effort sa akin ng tatay ko, GRABE!!! Sarap sipain ng magaling kong tatay papunta sa planet Mars!

Inis kong nilukot pabilog 'yung papel atsaka itinapon sa kung saan.

"Wala talagang kwenta tatay ko!"

Pag angat ko ng tingin, nagulat ako ng bigla naman ng nag-iba ang paligid ko.

"Ano bang nangyayari?"

Nasa isang abandonadong building ako. Nakatayo at nasa harapan ko ang tatlong mukhang sindikato na di kaaya aya ang itsura at isang batang maliit na nakatali sa poste na nasa gitna.

"Bata ano wish mo bago ka namin barilin?" tanong nung iaang sindikato sa bata na walang ekspresyon ang mukha.

"Utos ni Boss na huwag saktan ang bata, gusto mo bang tayo ang managot?"

"Manahimik ka!"

Biglang binaril nung sindikato number 1 sa dibdib yung sindikato number 2 na umawat kanina.

Nanlaki ang mata ko. Ano ba'tong lugar na napuntahan ko? Bakit may live slaughtering na? Bakit nauuso mga patayan ngayon ha?

"Bakit mo siya binaril?!" singhal ni sindikato number 3 bago din siya barilin ni sindikato number 1.

"P-pauwiin mo na ako." bulong ng bata na nakatali sa poste. Nanginginig ang boses nito at takot na takot sa nakita niya.

Ihahakbang ko na sana ang paa ko ng biglang magpaputok na ng baril 'yung sindikato 1.

Nanlalaki ang mata ko at natigilan ako sa pwesto ko ng biglang 'yung maid na spy na ang nakatali sa poste, nakadilat siyang namatay at may umaagos na dugo mula sa tama ng bala sa gitna ng noo niya.

Humakbang ako papunta doon sa maid para tulungan siya ng biglang may humawak sa balikat ko.

Lumingon ako sa likod para tingnan kung sino ang umepal na humawak sa balikat ko.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن