CHAPTER 41 - SOMEONE'S FRUSTRATED

5.7K 357 101
                                    

Third Person's POV

Paano kapag dumating ka sa point ng buhay mo na hindi mo na alam ang gagawin?

Kagaya nalang ni Ashari na wala nang magawa kundi sumabay nalang sa agos ng mga mangyayari.

'Leche, mas masaya pa buhay ko nung pera lang pinoproblema ko e. Dapat talaga forever nalang akong mukhang pera para masaya!'

Ani niya sa kaniyang utak habang naglalakad sila paakyat sa garbong hagdan papasok sa mansion ng mga Marchese.

Parang kinawawang tuta si Ashari habang nakatingin sa likudan ni Adolfo at Easton na bahagyang nauuna sa kaniya. Kasabay niya si Kumareng Helen na tahimik lang.

Bumuntong hininga siya....

"Dear ang lalim naman ng pinanghuhugutan mo." bulong na sita sa kaniya ni kumare.

Bumuntong hininga ulit si Ashari bago parang bata na inagawan ng candy na tumingin kay kumare.

"Hayssss." pagbuga ulit niya ng sama ng loob. "Dati pera lang sapat na bakit ngayon....bakit ngayon..."

"NANDITO NA SILAAAAAAA!!"

"ASHARIIIIIIIIIIIII!!!!!!"

"ASHARIIIIIIIIIIIII SA WAKAASSS!"

"MAMHAAAAA!!!!"

Napahakbang ng isa paatras sa gulat si Ashari ng may mga pumapalahaw na nilalang ang sumasalubong sa kanila.

Susginoo, ano problema ng mga 'to?

Si Angel na buhat buhat si Gali ang bumalandra sa kanila. Tumatakbong nakasunod si Nate na may hawak pang sandok. Hoy hindi pa siya tapos magluto!!!!

"Sir good evening po!"

"Lolo hello!"

"Sir Adolfo, nakahain na po ang dinner! Nag-iintay na po doon si Madam Gisella! Punta na kayo doon Sir." -Nate na dinuro pa ng sandok sa mukha si Adolfo.

Mabilis na nilampasan ng tatlo ang kanilang Big Boss at nagdirediretsyo sa pwesto ni Ashari. Si Gali kumaway pa ng ba-bye sign sa lolo niya!

'What on earth is happening?' hindi makapaniwala si Adolfo, ganoon na
lang 'yon? Nilagpasan siya basta basta ng mga tauhan niya na parang wala lang!? Wow!

Pagdating ng tatlo sa harapan ni Ashari, parang bigla naman silang natameme. Parang bigla silang tinakasan ng dila.

'Ano ba problema ng mga 'to? Parang nakakita ng patay na bumangon sa kabaong!' Isip ni Ashari.

"Mamhaaaa!" si Gali na ang hindi nakatiis. Pumilit siya na magpabuhat kay Ashari.

Wala sa sarili naman na ibinigay ito ni Angel.

"Mama I miss you!" hinalikan ni Gali ng tatlong beses si Ashari sa pisngi. Miss na miss nga po noh.

"Gali kakakita lang natin kaninang umaga miss na agad? Agad agad?"

Ganado pala si Gali e.

"Opo Mamha. Miss po tika (kita)" sabay hug ng mahigpit kay Ashari.

Lecheng bata 'to. Ilang oras lang sila nagkahiwalay pero kung kumapit na sa kaniya e akala mong nawala si Ashari ng isang taon. Paano nalang kung habang buhay na silang hindi magkikita?

Sa thought na'yon, matamis na mapait ang kalooban na hinagkan ni Ashari si Gali pabalik. O diba, ang bait na ng bida naten, sweet na siya at hindi na mukhang pera HAHAHAHA!

Pero kidding aside, habang nakayakap si Ashari kay Gali, hindi mawala sa isip niya kung ano na ang mangyayari oras na umalis na siya sa mansion ng Marchese.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now