CHAPTER 16 - ORGANIZATION OF PEACEMAKER

7.5K 357 31
                                    

THIRD PERSON'S POV

Mainit na dumampi sa mukha ni Easton ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Ito ang gumising sa kaniya. Bumangon si Easton sa sofa na hinihigaan, agad siyang tumingin sa king sized kung nasaan ang anak. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang nandoon ito...

Kumunot ang noo ni Easton ng hindi lang ang anak ang makita sa higaan...

Katabi ni Gali si Ashari!

'Bakit nakahiga ang babaeng 'yon katabi ng anak ko?'

Kaagad na nag-init ang ulo ni Easton. Akala ba niya babantayan ang anak niya ng babaeng 'yon pero bakit tulog ito ngayon?

Tumayo siya sa sofa. Tumingin siya sa wrist watch niya habang naglalakad palapit sa kama. 6:30 na ng umaga, ilang oras siyang nakatulog? Walong oras? It was the longest time he slept simula ng mawala si Gali. He didn't know why pero nakatulog siya ng mahimbing na hindi na niya namalayan ang oras.

Nagdilim naman ang paningin ni Easton, anong karapatan niyang matulog ng walong oras? Hindi dapat siya natutulog ng matagal lalo na't isang hindi mapagkakatiwalaang nilalang ang nagbabantay sa anak niya.

Lumapit na siya sa bed. 'Sleep all you want you little dimwit! Sisipain kita paalis dito sa kwarto ng anak ko! How dare you sleep while taking care of him?!' ani niya sa utak.

Balak talaga niyang paalisin sa pinaka brutal na paraan si Ashari kahit pa mahimbing na itong natutulog ang kaso, pagkakita niya sa posisyon ng anak at ng babae, biglang natigilan si Easton sa plano at tahimik na tumitig sa dalawa.

Parehas silang mahimbing na natutulog. Si Ashari nakayakap sa katawan ng anak niyang si Gali, si Gali naman, nakayakap sa leeg ng babae. 

Nakatayo lamang si Easton sa gilid ng bed at pinagmamasdan sila. Ashari is sleeping peacefully, para itong anghel na hindi makabasag pinggan hindi kagaya kapag gising ito na akala mo nakalunok ng mic at nagiging dragona na walang sinasanto na kahit sino. Easton remembered everything that Ashari said. Ang sabi niya wala siyang pake sa anak...kay Gali. She said she only wants the money. Pero the way Ashari holds his son Gali right now is different on what she confessed last time. It's as if Gali is the most important thing to her, he hugs Gali carefully na hindi masasaktan o madadaganan pero she also hugs him as if Gali is someone that she will never let go of.

At ganon din ang anak niya sa babae...

It's just been days pero hindi alam ni Easton kung bakit ganito ang koneksyon ng dalawa sa isa't-isa.

"Mamha..." bulong ng anak sa mahimbing na pagtulog nito. Gali is always having a dream. Madalas itong nag-s-sleep talk. Dati puro 'Papa' na word ang binabanggit nito kapag tulog--which Easton found cute and adorable the way his son calls out his name when it is asleep. Pero ngayon, iba ang binabanggit nito. "Mamha, puta tago ato." kumunot ang noo ni Easton ng marinig ang sinabi ng anak.

Nagmura ba ang anak niya?

Umiling nalamang siya, baka namali lamang siya ng dinig. Dahan dahang umupo si Easton sa bed side. Nandoon siya sa side na part kung nasaan si Gali. Hinawakan niya ang noo ng anak, halos sinat nalang ang mayroon ito. Itatanong niya sa Doctor kung pwede na tanggalin ang swero para malaya ng makagalaw ang anak.

Dahil nasa side si Easton kung nasaan si Gali, kitang kita niya dito ang mukha ni Ashari. May ilang hibla ng mahahaba nitong itim na buhok ang tumatabing sa maamo niyang mukha. Kung ide-describe niya si Ashari, isa lang ang masasabi niya...mukha naman itong tao.

Kidding aside, Ashari has strong facial features. Hindi siya 'yung cute type. Maganda ba siya? Ewan? Mukhang wala namang ganda sa mukha niya.

Walang make-up, hindi maayos ang kilay, hindi manlang magliptint o kaya lip gloss. Masyadong natural. In short hindi type ni Easton ang pagmumukha niya.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDМесто, где живут истории. Откройте их для себя