CHAPTER 12 - A LITTLE WORRIED

8.6K 385 29
                                    


ASHARI'S POV

Nakatayo lang ako sa labas ng isang napakagandang hallway.


Nakatulala lang ako habang daan daanan ako ng mga tao dito.

Maids na may mga dalang personal needs...

Butlers na may mga dalang aid kits...

Mga nurse na nagmamadali at may dalang tray ng medical tools...


Personal body guards na pabibo lang, gusto lang umeksena...


At mga kung sino sinong extra na aligagang aligaga sa nangyayari...


"Bakit ba alalang alala sila kay Chanak?" mahinang tanong ko sa sarili ko habang nakatingin ng diretsyo sa bukas na pintuan na pinapasukan ng mga tao.

Pinto ng napakalaking kwarto ni Chanak na Gali. Hindi ko pa napapasok 'yong loob pero sa itsura palang at sa dami ng taong pumapasok, sure ako na sobrang laki nito.



"Nagkasakit din naman ako nung bata ako pero isang tao lang nag alaga sa akin, hindi ganyang kadami susginoo. Gagaling ba siya pag paramihan ng tao ha?" reklamo ko nanamang bulong sa sarili ko.


Kinumbinsi ko ang sarili ko na wala lang 'yan. Sakit lang 'yan susmaryosep. Bakit ba masyadong big deal sa kanila yan aber?

Huwag kang mag alala Ashari ok? Psh, nagkasakit lang naman si Gali. Parang normal lang naman sa bata ang magkasakit noh.


E bakit natutulala ako? Bakit hindi ko kayang pumasok sa loob? Bakit parang may mabigat dito sa dibdib ko at hindi ako mapakali?


Ay kinakabagan ka lang Ashari! Sign of aging 'yan. Malapit ka nanaman kasing tumanda!

Susginoo! Naulanan lang naman si Gali, kung makakilos naman sila kala mo namang may cancer yung bata na stage 5 at naghihingalo na.

Huwag kang mag-alala Ashari ok? Wala kang pake sa Chanak na'yon. Isaksak mo 'yan sa utak mo!


Grabe lang kasi, parang bente na maid yata andito, sampong butler at sampong body guard sa sobrang dami e. Kaloka!


"What happened? Anong nangyari sa apo ko?" may dumating na isang babae. Sinalubong siya ng isang butler.

Ang ganda niya para sa isang lola. Sobrang demure niyang tingnan noh, malayong malayo kay Aling Marites. E si Aling Marites naman kasi panay chismis alam sa buhay. Pati problema ng iba pinoproblema niya at talagang ichichika pa niya, o sinong hindi magmumukhang matanda agad pag ganon diba?


"Nagkasakit po ang apo niyo Madam Gisella, sobrang taas po ng lagnat nito. Kasalukuyan po itong tinitingnan ni Doc." sabi ng butler.


"O MY GOOSSSHHH! ANG APOOOO KO!!!!" sigaw na palahaw ni Kumareng Gisella, luh! Napatakip pa ito sa bibig at kamuntik lang mahimatay, naalalayan lang siya nung butler.

Luh, parang namatayan amp!

Bat ang O-OA ng mga tao dito? First time bang magkasakit ng Gali ha? FIRST TIME? Kaloka!


"ANG APOOO KO! FIRST TIME NIYANG MAGKASAKIT! APOOOOO MAGPAGALING KA APOOOO!" sigaw nito bago pumasok sa malaking kwarto.


Bumagsak ang panga ko.


Ano daw?


FIRST TIME NAGKASAKIT NI GALI?

Susginoo!

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon